Grizzlies tinapos ang Heat

GINAMIT ni Rudy Gay ang kanyang bagsik sa paggiba sa Miami Heat at nangingibabaw ang Memphis Grizzlies, 97-95, sa kanilang sagupaan sa hard court kanina.

Si Dwyane Wade ay wala kaya sinamantala ng grupo ang pagtalo dito dahil kahit nandoon si LeBron James ay hindi ito nakaporma.

Tabla ang iskor nang makasalaksak si James ngunit nakapasok din ang huling tira ni Gay mula sa 13-foot jumper. Iyon ang bumasag sa buzzer at nagpanalo sa Grizzlies.

Samantala, nanalo ang Spurs laban sa Cavaliers at naitala ang kanilang ikasampung panalo.

Si Tony Parker ay nakakuha ng 19 points kaya naisukbit ang 116-92 win.

Nanalo rin naman ang Magic laban sa Pacers kahapon sa iskor na 90-86.

Pinangunahan ni Dwight Howard ang panalo ng Orlando Magic.

“It was huge,” pahayag ni Magic coach Stan Van Gundy. “We made our free throws down the stretch. It was a very difficult win and a very tough loss for them because I thought both teams played very, very hard and fought very, very hard.”

Kasabay nito, nanalo rin ang Dallas Mavs laban sa Hawks kung saan pinangunahan ni Dirk Nowitzki kaya hindi nakaporma ang Mavericks. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply