Grizzlies tiniris ng Magic

Muling nagpakita ng bagsik ang Orlando Magic matapos gibain ang Memphis Grizzlies, 89-72, kahapon.

Tinaguriang NBA’s twice reigning defensive player of the year, si Dwight Howard ay kumana ng 18 points at 14 rebounds habang si  Vince Carter ay umiskor ng 19 points.

Ang Magic ay napuwersang gumamit ng 18 turnovers at ipinako ang Grizzlies sa 36 percent shooting kung saan ito ang pinakamahinang puntos na nagawa ng nasabing team sa dalawang season.

Samantala, si Marc Gasol ay kumamada ng 14 points at 8 rebounds habang si Mike Conley ay umiskor ng 11 points sa panig ng Grizzlies subalit hindi ito sapat makaraang matamo nila ang  third straight loss.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply