GRO sinapak saka nilamas ni lolo

Kasong acts of lasciviousness at physical injuries ang kinakaharap ng 60-anyos na lalaki makaraang ireklamo ng isang negosyante sa Manila Prosecutors Office (MPO).

Ang kaso ay isinampa ni Elizabeth Roque, 46, negosyante ng  2427 Penoy St., Balut, Tondo, Maynila, laban sa suspek na nakilalang si Myther Bunag, ng 1789 M. Adriatico st., Malate, Maynila.

Base sa complaint affidavit ni Roque, naganap ang insidente dakong alas-8:45 ng gabi, sa Café Adriatico sa Malate.

Nabatid na nagkakape ang biktima at kaibigan na si Girly Valenzuela sa nasabing establisyemento kung saan ang suspek ay naka-upo sa katabing mesa.

Lumapit si Bunag kay Roque at tinanong ito kung bakit niya  tinitingnan na sinagot naman ng huli na hindi siya nakatingin dito  sa halip ay sa waitress na noo’y inutusang kumuha ng yelo.

Dahil napahiya ang suspek, sinuntok nito si Roque sa mukha dahilan naman para matumba ang biktima.

Dito sinamantala ni Bunag na pumatong kay Roque at sinimulang lamasin ang dibdib, hanggang may isang humatak upang makawala huli.

Nakaalis si Bunag bago pa dumating ang mga nagrespondeng pulis,kaya pinayuhan na lamang si Roque na magpa-medico legal bago dumiretso sa himpilan ng Ermita Police Station.

Sa folow up operation, naaresto si Bunag at dinala sa presinto kung saan positibo itong kinilala ni Roque na nanapak at pumatong sa kanya. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply