Grupong nagbebenta ng pekeng US treasury bills, nalansag

NALANSAG ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang sindikato na sinasabing sangkot sa pagbebenta ng pekeng United States (US) federal notes matapos maaresto ang pitong miyembro nito sa isinagawang operasyon sa Pasig City.

Ayon kay  PNP-CIDG National Capital Region (NCR) Intelligence Head Senior Superintendent Jose Coronel, ikinasa ang isang buy-bust operation laban sa naturang grupo makaraang makatanggap sila ng impormasyon  na nagbebenta ang naturang grupo ng mga pekeng treasury bills mula sa Federal Reserve Bank of Chicago, Illinois sa isang hotel sa Ortigas, Pasig.

Agarang nadakip ang lider ng naturang grupo sa isinagawang operasyon na si Mariano Abana at mga tauhan nitong sina Ramil Medecillo, Teodoro Tadeo, Noel at Raquel Labandero, Leo Rosilla at Antonio Rubio.

Nabatid na nakuha mula sa mga ito ang tatlong piraso ng $1 bilyong halaga ng gold bullion certificate na may kabuuang halaga na $3 trilyon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply