Gulf Air Baby hindi maiuuwi ng ina

HINDI pinayagan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maiuwi na ng ina ang sanggol na lalaki na natagpuan kamakailan sa lavatory ng eroplanong galing Bahrain.

Ayon sa report ng DSWD, kinakailangan pang sumailalim sa deberiefing ang ina ng naturang sanggol na napag-alamang isang  dating overseas Filipino worker (OFW).

Nangangailangan pa umano ang DSWD ng karagdagan pang “trauma debriefing” sa ina bago niya maiuwi ang naturang sanggol.

Ayon pa sa report, dalawang beses nang bumibisita ang ina ng naturang sanggol, at pinapayagan itong magbigay ng breastfeed.

Kinumpirma rin ng DSWD na ang naturang ina ay biktima ng pang-aabuso ng kanyang employer sa ibang bansa.
Binigyan naman ng palayaw ang naturang sanggol na “Baby George Francis” matapos matagpuan sa Gulf Air plane.

Si Baby George ay natagpuan sa lavatory ng Gulf Air Flight 154, sa Manila noong Setyembre 12.

Nagsagawa rin ng DNA tests ang National Bureau of Investigation (NBI) at University of the Philippines National Science Research Institute kung saan napatunayang ang naturang babae na taga Cordillera, ang talagang ina ng sanggol.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply