Guro dinukot sa Basilan

DINUKOT ang isang public school teacher habang pinakawalan naman ang isa pa ng hindi  nakikilalang lalaki sa Basilan province sa Southern Philippines, Lunes (Nobyembre 15).

Ayon kay Maj. Gen. Romeo Lustestica, acting commander ng Western Mindanao Command (Wesmincom), dinukot si  Cecilia Sosas, guro sa Baas Elementary School sa Lamitan town.

Dagdag pa ni  Lustestica, dinukot din umano si Merlyn Yakapin, ngunit pinakawalan din agad.

“Nasa bahay sa Lamitan proper na sya,” ayon pa kay Lustestica.

Dinukot ang dalawa bandang 11 a.m. at dinala sa Tubugan town.

Gumagawa naman ng paraan ang mga pulis at military personnel upang mailigtas si Sosas at madakip naman ang suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply