Halos P500-K ng paputok kinumpiska ng PCG

PINAIGTING ng Philippine Coast Guard (PSG) ang ipinatutupad nitong security measures laban sa mga puslit na paputok bunsod ng papalapit na kapaskuhan at bagong taon.

Nitong Biyernes, Nobyembre 19, nakakumpiska ng 21 kahon ng Piccolo fireworks ang Coast Guard Detachment Aduna. Nagkakahalaga ang nasabing paputok ng P403,200.

Ang kontrabando ay nadiskubre sa dalawang pallet na nakatakda sanang isakay sa M/V San Ramon de Bohol na nakadaong sa Cebu at patungo sana sa Tagbilaran City .

Sa report ng PCG, walang permit ang barko na na magkarga ng dangerous o hazardous cargo. “Inappropriately labeled” din ang kargamento, ayon sa PCG.

Nabatid na isang Philip Sy ang diumanong may-ari ng mga paputok na consigned sa isang nagngangalang Lorie Santos ng Tagbilaran City.

Nakakumpiska rin ang PCG noong nakalipas na linggo sa pamamagitan ng kanilang K9 security dogs ng may P64,000 halaga ng iba pang firecrackers.

Ang kargamento ay isasakay sana sa isang passenger vessel na nakadaong sa Tabaco, Albay na patungo ng Catanduanes.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply