Hamon ng APO kay Leila: Magdemanda ka!

HINAMON ng Alpha Phi Omega (APO) fraternity si Justice Secretary Leila de Lima na sampahan ng kaso sa korte ang mga miyembro nitong sangkot umano sa bar exam grenade blast.

Una nang umapela si De Lima sa pamunuan ng APO na isuko na ang dalawang miyembro nitong hindi pa isiniwalat ang pangalan sa publiko na sangkot sa De La Salle bombing.

Kasabay nito ay ang pagbubunyag na ang APO rin ang lumilitaw na nasa likod ng pagpapasabog sa La Consolacion College noong 2008 at noong Marso 2010 sa University of Perpetual Help sa Las Piñas City.

Umalma ang APO kay De Lima dahil na rin sa pagtukoy nito sa fraternity na umano’y nasa likod ng mga pagpapasabog sa mga unibersidad bagama’t wala pang matibay na ebidensya.

Ayon sa tagapagsalita ng APO, ang ginagawa ng kalihim ay malinaw na “trial by publicity.”

“Sa halip na kundenahin kami, just charge us kung may ebidensya sila.

Ganoon din naman. Doon din naman pupunta yan,” pahayag ni Ramos sa isang panayam ng lokal na himpilan ng radyo.

Sinabi ni De Lima na bagama’t tukoy na nila ang dalawa pang sangkot sa DLSU bombing noong nakaraang Setyembre 26 ay binibigyan pa nito ng pagkakataon ang APO na isuko ang mga ito alinsunod na rin sa nauna nang napagkasunduan na makikipagtulungan ito sa isinasagawang imbestigasyon. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply