Hapones, binugbog bago ninakawan

Binugbog saka pinagnakawan pa ng apat na lalaki ang dayuhang Hapones matapos makipag-date sa isang babae sa isang hotel restaurant sa Pasay City.

Duguan at halos mawalan  ng ulirat ang biktimang si Fukura Keniehiro, 56, walang asawa, consultant ng isang Japanese firm at pansamantalang nanunuluyan sa Unit 1702 Lerdon Suite Hotel, Ortigas, Pasig City, nang iwanan ng mga suspek sa madilim na bahagi ng Andrew st. malapit sa kanto ng Domestic Road , pasado alas-8:00 ng gabi matapos samsamin ang hindi pa batid na halaga ng dalang salapi.

Naisugod lamang sa pagamutan ang dayuhan nang pagmalasakitan ng club manager na si Russel Cayetano, 32, ng Multi National Village, Paranaque City, na nakapansin sa biktima habang pasuray-suray at duguang naglalakad.

Sa ginawang imbestigasyon ni  PO3 Rodolfo Saquina, Jr., nakipag-date ang dayuhan sa isang Sheila Mahistrado sa Wine and Museum Hotel and Restaurant dakong alas-8:00 ng gabi.

Kasama ng babae ang dalawa sa apat na suspek at niyaya pa nito ang dalawang kasama nito na nasa labas ng naturang establisimiyento ang biktima.

Pagdating sa labas ay bigla na lamang sumulpot ang dalawa pang lalaki na puwersahan nagpasakay sa dayuhan sa likurang bahagi ng kanilang kotse.

Inakala ng biktima na kikidnapin siya ng mga suspek subalit matapos bugbugin at pagnakawan ay ibinaba na siya sa madilim na bahagi sa Andrew street.

Kaagad na iniutos ni Sr. Supt. Napoleon Cuaton ang pagtugis sa mga suspek makaraang makilala ang babae at dalawang lalaking kasama nito nang mahagip ng close circuit television (CCTV) camera na nakalagay sa naturang hotel restaurant. (Johnny F. Arasga)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply