Hapones natagpuang patay sa hotel

WALA nang buhay nang matagpuan ang isang negosyanteng Japanese national sa loob ng tinutuluyang kuwarto sa isang hotel,  sa Malate, Maynila.

Hinihinalang may ilang oras nang patay ang biktimang si Takebe Noriyoshi, 45, at naka-check in sa Rm.1237 ng Hyatt Hotel.

Sa ulat ni SPO4 Steve Casimiro, bandang 11:47 ng madiskubreng patay ang biktima ng isang hotel personnel at kaibigan ng Hapones na si Nishimura Tadahiro.

Nabatid na nakatakdang magcheck-out ang biktima at Tadahiro sa hotel  kung saan magkikita ang dalawa sa lobby,  subalit nabigo ang una na siputin ang huli.

Dahil dito, humingi ng assistance si Tadahiro sa hotel personel kung saan gamit ang master key upang mabuksan ang kuwartong tinutuluyan ng kaibigan.

Nang mapansin na hindi na gumagalaw ang biktima ay tinangka pang i-revive ito subalit huli na ang lahat.

Nakitang buhay ang biktima dakong alas-siyete ng umaga matapos nitong mag-casino at makipagkwentuhan kay Tadihiro.

Ayon sa pulisya, maaaring inatake sa puso si Noriyoshi.

Ipinaalam na sa Japanese Embassy sa Maynila ang pagkamatay ng biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply