Hataw pinasubsob ng Tribune

PINASUBSOB ng Daily Tribune ang Hataw matapos nitong lagutin ang tatlong sunod-sunod na panalo nito sa ginaganap na Remate/Ahon Foundation Inter-publication tournament sa San Andres Sports Complex, Manila.

Sa simula pa lang ng laro ay inararo na ng Tribune ang Hataw na sumira sa diskarte ng kanilang mga star player.

Sa huli, medyo nagkagalit-galit na ang mga manlalaro  ng Hataw dahil nagsisisihan na lalo pang sumira sa kanilang laro.

Sinamantala naman ng Tribune ang sitwasyon upang maitipa ang kanilang unang panalo at ihambalos  sa nangunguna sa standing sa Group A na Hataw ang kanilang unang mapait na pagkatalo.

Sa 2nd game, sinibak ng People’s Tonight ang sister company na Manila Standard.

Hindi nakaporma ang Standard dahil sa mahuhusay at malalaking manlalaro ng People’s.

Lumaban ng husto ang Standard subalit talagang nanaig ang lakas ng malalaki at matatangkad na players ng kalabang koponan.

Sa huling laban, itinarak ng Philippine Star ang unang pagkatalo sa Pilipino Star Ngayon.

Halos patas lang ang laban subalit nagpakita ng kakaibang bilis at swerte ang PStar na nagpayukod sa Pilipino Star.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply