Hatton muling susuntok sa 2011

Bagamat nasangkot sa cocaine scandal, desidido pa rin si dating Junior Welterweight champion at British sensation Ricky Hatton na lumaban sa susunod na taon.

Ito ay matapos umugong ang alingasngas na nais ni dating 10-time world champion at pay-per-view kingpin Oscar De La Hoya na magkaroon ng mega-fight kay Hatton.

Ayon sa ilang Golden Boy Promotions official, hangad ni De La Hoya na sumampa muli sa ring kahit na nagretiro na ito noong April 2009 matapos itong gulpihin ni Filipino sensation Manny Pacquiao sa loob ng walong rounds.

“Although this isn’t the first time that rumors of a De La Hoya comeback have surfaced, it is the first time that an official from Golden Boy Promotions is on record discussing plans for a return.”

Sinabi ni GBP matchmaker Robert Diaz mula sa Manchester, England na ang sagupaang Hatton-DeLa Hoya ay tiyak na tatangkilikin ng mga boxing fans.

Subalit nabatid na kinailangan munang magpakondisyon ni Hatton ng ilang buwan matapos itong malagak sa rehab dulot ng paggamit ng cocaine. (Gilbert Perdez)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply