Hatton tinawanan ni Dela Hoya

Tinawanan lamang kahapon ni Oscar De La Hoya ang napabalitang paghaharap nila ni Ricky Hatton sa susunod na taon.

Ayon kay De La Hoya, isang malaking kahibangan ang nasabing balak kasabay ng pagtanggi na hindi niya sinabing sasagupa siya sa British boxer.

“I’m f****** pissed off,” ang natatawang sabi ni De La Hoya. “Me fighting Ricky Hatton is a bunch of baloney. Not true, a million percent.”

Wala na rin umanong balak si De La Hoya na lumaban dahil nakapagretiro na siya.

Kung babalik man aniya sa ring si Hatton ay wala na siyang pakialam dahil sarili itong desisyon ng dating kampeon.

Una nang sinabi ni matchmaker Roberto Diaz ng Golden Boy Promotions na sila mismo ang nag-alok kay Hatton na labanan ang dating Olympian subalit karaka namang tumanggi si De La Hoya. (Gilbert Perdez)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply