Hayden Kho napikon kay Sen. Bong Revilla

NAPIKON yata si Hayden Kho sa naging pahayag ni Senator Bong Revilla na hindi dapat kalimutan ng publiko ang ginawa ni Hayden nang paglaruan nito ang puri at dangal ng mga babaeng biniktima nito sa sex video.

Nag-tweet kasi si Hayden ng: “Mr Senator, when was the last time you looked in the mirror not to fix your hair and put on make-up but reflect?”

Tapos sumunod na tweet nito: “Does anyone here agree that Mr. Senator represent you and your ideals as a person and as a Filipino? C`mon, you know who I`m referring to.”

Obvious na si Senator Bong ang pinatutungkulan ni Hayden sa kanyang tweet at nang hingan ng reaction si Senator sa taping ng “Kap`s Amazing Stories” bilang host, ay dinaan na lang nito sa biro ang reaction at sinabing ginawa pa siyang “bading” ni Hayden sa tweet nitong may binabanggit na salamin at hair and make-up. (Di niya na-gets ang mensahe—Ed)

Sabi ni Senator sa interview niya sa ilang Senate reporter nang hingan siya ng reaction sa muling pagbabalik sa limelight ng controversial na ex-doctor.

Ang eksaktong sinabi niya: “I hope the public will not forget the bad things he has done, especially to the women whose name and honor he tarnished.”

Ni-remind din niya si Hayden na hindi isang laro ang bagay na ito dahil ang nadungisang reputasyon ng mga biktima ang nakasalalay, kaya dapat na igalang ni Kho ang batas. (Tamaaa!—ED)

Pinanindigan ni Senator Bong ang mga pahayag niya tungkol kay Hayden dahil ‘yun naman daw talaga ang totoo.

Hindi rin ikinakaila ni Senator na mula sa simula ay hayagan ang suporta niya kay kay Katrina Halili sa kaso nito laban kay Hayden at hanggang ngayon ay umaasa si Senator na makakamit ni Katrina ang hinahanap na hustisya.

OGIE AT REGINE, WALA NANG HONEYMOON

Kahit anong busy ni Regine Velasquez ay nagagawa nitong isingit ang preparasyon ng wedding nila ni Ogie Alcasid.

Busy si Regine sa taping ng “I Heart U Pare” pero   isinisingit ang mga paghahanda para sa kanilang kasal ni Ogie.

Samantala, sinabi naman ni Ogie na pagkatapos ng kasal nila ni Regine ay wala muna daw honeymoon na mangyayari dahil busy nga sila pareho.

Si Regine kailangan makapag-taping ng “I Heart U Pare” at siya (Ogie) naman ay may previous commitment din na dapat asikasuhin.

Kapag nabuntis pa si Regine ay magiging abala sila sa magiging kalagayan ng Songbird at kung hindi naman saka lang sila pupunta ng ibang bansa para magpahinga.

Naging practical na rin ang dalawa sa buhay. Pagkatapos ng kasal ay sa bahay na lang ni Regine muna titira at paghahandaan pa ang mga susunod na mangyayari.

Hindi na rin raw kailangan pag-usapan o pagtalunan ang pre-nuptial aggrement nila dalawa. Importante ay makasal sila at walang magiging problema.

“Mayroon o wala, I understand the need for it but Regine doesn`t want it. I did ask her, pero ako, I leave it at that. Matatanda na rin kami, eh,” pahayag ni Ogie.(Di na nila talaga kelangan mag-honeymoon, dahil lagpas na sila sa stage na ‘yun!—Ed)

ELY BUENDIA, NEGA DAHIL SA KAGASPANGAN NG UGALI

Dapat siguro ay gumawa na lang ng kanta si Ely Buendia sa halip na mag-perform pa uli on stage para mapangalagaan ang sarili.

Matatandaan sa huling concert nito ay nanikip ang dibdib at kinailangang operahan sa puso dahil nagbara ang ugat na dinadaluyan ng dugo papuntang puso.

Ngayon okey na at matagumpay ang operasyon ay naghahanda na naman ito ng isang show.

Wala na naman dapat pa siyang patunayan bilang lead singer ng banda.

Hindi kaya sa bandang huli ay madismaya na lang siya kapag napagtanto na tapos na ang mga masasayang araw niya bilang sikat na singer ng banda?

Lalo na ngayon nega ang dating niya nang magpahayag na hindi niya type pag-usapan ang anak ni Megastar Sharon Cuneta na si KC Concepcion.

Magaspang ang dating niya at nagmukhang mayabang kaya marami ang nadismaya sa kanyang naging pahayag. (Mayabang daw talaga iyan!—ED). Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply