Haye minaliit ni Klitschko

Minaliit lamang ng magkapatid na Vitali at Wladimir Klitschko ang hamon ni WBA champion David Haye na harapin siya anumang oras.

Ayon sa magkapatid, ayaw muna nilang patulan ang paghahamon nito dahil nakasalalay sa promoter nila ang nasabing usapin.

Una nang nadepensahan ng 30-anyos na si Haye ang hawak niyang WBA heavyweight belt nang sumikwat ng third-round victory laban kay Briton Audley Harrison sa Manchester.

Sinabi ni Haye na gusto niyang makaharap ang sinuman sa dalawang magkapatid bago siya magretiro sa susunod na taon.

Ngunit bago ito ay haharapin muna ni Haye ang WBA mandatory challenger na si Universum heavyweight Ruslan Chagaev (26-1-1, 17 KOs).

Binanggit naman nina Klitschko na nakahihiya ang ginawa ni Haye sa paglaban kay Harrison dahil dati pala niya itong sparring partner. (Gilbert Pedrez)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply