Heat coach at Pacman magtutuwang

MAGKATUWANG na isusulong ni pound-for-pound kingpin Manny Pacquiao at Miami Heat head coach Erik Spoelstra ang “sports and healthy lifestyle clinics” na kanilang ilalatag sa Pilipinas.

Si Pacquiao ay kilalang malaking basketball fan na nagnanakaw pa rin ng sandali sa paglalaro kahit na pinagbabawalan ni trainer Freddie Roach.

Ayon kay Spoelstra, matagal na ring gusto ni Pacquiao na magpundar ng clinics sa bansa para makatulong sa mga batang atleta na nangangarap maging kampeon.

“Manny’s people actually got back to us the other day and said he was really interested in getting together to do something like this,” wika ni Spoelstra.

Kilalang tagasuporta ni Pacquiao si Spoelstra na ang ina ay isang Pinay at ama ay isang American.

Nangako naman si Spoelstra na balang araw ay mababago rin ang paboritong team ni Pacman—ang Boston Celtics—at sa mga susunod na araw ay magiging Heat na ito. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply