Heat humihina ang pwersa

AMINADO si LeBron James na humihina na ang kanilang puwersa  dahilan upang makaposte ng  panibagong game plan para sa Miami Heat.

Katunayan ay nakipag-meeting na siya kay Erik Spoelstra hindi lamang para pag-usapan ang nasabing usapin kundi maging ang isyung nagkabungguan sila.

Sinabi naman ni James na hindi niya sinasadyang bungguin ang coach nila.

“Incidental contact,” maikling paliwanag ni James.

Gayunman,  si James ay umiskor pa rin ng 30 points, si Dwayne Wade ay 26 kaya nadurog ng Heat ang Washington Wizards 105-94.

Kasabay nito, sinabi naman ni Spoelstra na ang pinag-usapan lang nila sa meeting ay ang opensa nilang gagawin laban sa Wizards.

Samantala, natuklasan na hindi kasama si Wizards rookie guard John Wall sa laro nila laban sa Heat dahil sa problema sa kanang tuhod.

Si Chicago Bulls forward Carlos Boozer naman ay naiulat na hindi kasama sa praktis nila dahil na rin sa aksidenteng kinasangkutan nito kung saan nagka-injury ang kanyang kamay.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply