Heat na-upset ng Hornets

NAGTUWANG sina Emeka Okafor at Chris Paul ng New Orleans dahilan upang hindi makaporma si LeBron James ng Miami Heat.

Si Okafor ay nasikwat ang season-high 26 points at 13 rebounds habang si Paul ay kumamada ng 13 points at 19 assists sa ginawang pag-upset ng Hornets laban sa Heat, 96-93.

Samantala, nananatili pa ring undefeated ang Atlanta Hawks nang isukbit ang panalong 113-103 laban sa Minnesota Timberwolves.

Si Josh Smith ay humakot ng 20 points, 8 rebounds, 6 assists at 5 blocked shots.

Ito ang dahilan kaya umangat sa 6-0 ang kartada ng Hawks kahit na hindi masyadong humataw sa laro si Joe Johnson.

Nabatid na si Corey Brewer naman ay kumana ng season-high 18 points para sa Wolves habang si rookie Wes Johnson ay nakasapol ng apat na 3-pointers na naikamada niyang 18 points.

Kasabay nito, inihayag ni Celtics coach Doc Rivers na hindi kasama si Boston Celtics center Shaquille O’Neal sa laro nila laban sa Chicago Bulls dahil sa injury nito sa tuhod.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply