Heat nilitson ang Wolves

BUMAGSIK pa lalo bilang point guard si LeBron James matapos maipanalo ang laban ng Miami Heat, 129-97, kontra Minnesota Timberwolves kahapon.

Si Dwyane Wade ay kumana ng 26 points habang si James ay nagdagdag ng 20 points at game-high 12 assists.

Ayon kay James, sinamantala lang niya ang depensang ibinigay sa kanya kaya sila nagwagi.

Samantala, ang Boston Celtics ay giniba rin ang Detroit Pistons sa tulong ni Paul Pierce kung saan tinambakan ang huli, 109-86.

Pinatunayan din ng Boston na kahit wala ang higanteng si Shaquille O’Neal ay kaya nilang maipanalo ang laban.

Si Pierce ay kumamada ng 21 points habang si Rajon Rondo ay nagdagdag ng 17 assists. Gilbert Perdez

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply