Henry binulabog ni Cotto

PINARUSAHAN nang husto ni welterweight Jose Miguel Cotto (32-2, 24 KOs) ang late sub na si Chris “Shaka” Henry (22-21, 17 KOs) hanggang sa matapos ang laban sa round four sa kanilang sagupaan sa Coliseo Cosme Beitia Catano sa Catano, Puerto Rico.

Ang 5’6 na boksingero at nakababatang kapatid ni boxing superstar Miguel Cotto na giniba ni Manny Pacquiao noong isang taon ay pinabagsak ang six-foot tall na journeyman na si Henry sa round two bago dinomina sa mga sumunod pang rounds.

Ang bangasan ay natapos sa oras na 1:19 ng ikaapat na yugto ng laban.

Si Henry ang pumalit sa orihinal na kalaban ni Cotto si Oscar Leon na napilitang umatras sa laban dahil sa problema sa visa.

Sa co-feature, si featherweight Jesus Rojas (16-1, 12 KOs) ay umiskor ng second round knockdown laban kay veteran Reynaldo Lopez (30-9, 22 KOs) ngunit umunat ang laban hanggang sa mauwi sa six round split decision. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply