Hepatitis B

ANO nga ba ang Hepatitis B?  Bakit ganito na lamang ang pagsisikap ng pamahalaan na maproteksyunan ang bawat indibiduwal partikular ang mga sanggol sa pagkakaroon nito bago pa lumala?

Ang Hepatitis B ay pamamaga ng atay at nagreresulta sa tuluyang pagkasira nito kung mapababayaan.

“Hepatitis-B is a serious public health issue in the Philippines where it is highly endemic,” ayon kay Sen. Pia Cayetano, chair, Senate Committee on Health and Demography.

Ayon sa ulat ng World Health Organization (WHO),  tinatayang nasa 60 porsiyento ng  mga Pilipino ang ‘infected’ na ng HBV (hepa B virus), samantalang tinatayang 10 porsyento naman ang may ‘chronic o active Hepatitis-B’ at ‘virus carriers’.  Nangangahulugan ito ng  8-10 milyon ang Hepatitis-B carriers sa bansa na posibleng makahawa pa ng maraming tao.

Ano ang mga sintomas ng Hepatitis B?

May mga karaniwang sintomas  ang Hepatitis B.  Gayunpaman, bawat bata ay nakararanas ng ibang sintomas samantalang ang iba ay wala ayon sa experts.  Ilan sa mga sintomas ng ‘actute hepatitis’ ay ang paninilaw ng mata at balat; lagnat, pagkawala ng gana sa pagkana; pagsusuka; matamlay; pananakit ng tyan; pagtatae; pananakit at pamamaga ng  kasukasuan; pangangati ng balat; kulay putik na dumi; at maitim na dumi.

Kaya ipinapayo ng health experts na magpasuri sa doktor kapag naramdaman ang ganitong mga sintomas.

Laban ni Sen. Cayetano sa Hepatitis B lusot na sa Senado

Lumusot na sa 3rd reading ang Senate Bill No. 138 o ang “Act Requiring Basic Immunization Services against Hepatitis B for Infants,” na inaatasan ang Department of Health (DOH) na maglaan ng pondo sa taunang budget nito para sa ‘mandatory vaccination’ sa mga sanggol laban sa Hepatitis B mula pagkapanganak.

Ayon kay Cayetano, sakop lamang ng expanded immunization program ng DOH ngayon ang bakuna laban sa tuberculosis, diphtheria, tetanus, peruses, oral poliomyelitis, proteksiyon laban sa tigdas at laban sa rubella.

Umaasa si Cayetano na mapapasama sa programa ng DOH ang pagbabakuna laban sa Hepatitis B kapag naging isang ganap na batas.

“Immunization is ready being practiced by the DOH but the approval of this measure will institutnalize the vaccination of children against the disease.  Under the bill, the health department will have to allocate a yearly budget for Hepatitis B immunization,” ani Cayetano na aniya’y ito ang kauna-unahang panukala na pinagtibay sa 15th congress.

Nilinaw pa ng lady senator ang kahalagahan ng naturang batas.  Inobliga ng Presidential Decree No. 996 na inilabas noong 1976 ang ‘basic immunization services’ sa bansa para sa mga sanggol at bata 8 taon pababa.  “Republic Act 7846 would later amend PD 996 to expand the scope of basic immunization services to include Hepa-B vaccination. The new law however limited the coverage only to newborn infants of women who are positive with Hepatitis B.”

Subali’t inirekomenda ng liver disease experts sa mga pagdinig at konsultasyon na pinangunahan ni Sen. Cayetano, ang pagbabakuna sa lahat ng sanggol maging ang  ito ay hindi mismong isinilang ng sariling ina na positibo sa naturang virus.

“Research shows that immunizing a newborn within 24 hours from birth remains the most effective preventive measure against the Hepatitis B virus. An immunization program implemented at the grassroots level is also the most effective means of mitigating the spread of Hepa-B infections,” anang mambabatas.

Sa ilalim ng panukala, ang mga sanggol na ipinanganak sa labas ng hospital o medical clinic ay dapat na madala sa alinmang pagamutan o center na may pasilidad para s pagbabakuna laban sa  Hepa-B sa loob ng  24 hours at hindi lalagnas ng 7 araw pagkasilang nito.

“Subsequent doses of the vaccine shall be completed according to the recommended schedule of Hepatitis B immunization as provided in the law’s implementing rules and regulations.”

Dapat na turuan ng health care practitioners at manggagawa na siyang nangangasiwa sa prenatal care lahat ng nagdadalantao kaugnay sa kahalagahan ng pagbibigay sa kanilang anak ng ‘basic immunization services’.

“Funding for the mandatory Hepa-B immunization program will be sourced from the General Appropriations Act and supplemented throughthe 2.5% allocation for the disease prevention program of the DOH from incremental revenues from the alcohol and tobacco excise taxes under Republic Act 9334.

Additionally, the Philippine Health Insurance Corporation shall be tasked to include basic immunization services in its benefit package when actuarial studies have determined its financial stability,” ani Sen. Cayetano. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply