Hi-jacked van naharang ng pulisya sa checkpoint

TINATAYANG aabot sa P1 milyong halaga ng mga ibat-ibang produkto ng  Colgate-Palmolive ang narekober ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) matapos itong ma-hijack  ng apat ng katao kahapon ng madaling araw sa Paco, Maynila.

Narekober ng pulisya ang Isuzu truck (RDK)-302 at isa pang Isuzu Elf truck (ZPW) 393 na naglalaman  ng nasabing produkto na nakatakda sanang ideliver sa bodega nito sa Parañaque City.

Naaresto naman ang apat na suspek na kinilalang sina Christian Candelario, 30, may asawa, driver, tubong Cabiao Nueva Ecija at nakatira sa No. 954 Mindnao st., Sampaloc Maynila; Paulo Azumi, 23, binata, helper, ng No. 297 Trinidad st., Tondo Maynila; Rogelio Temporasa, 21, binata, helper, ng Velasquez St., Tondo at Ruel Flores, 26, binata, helper ng No. 302 Simon St., Tondo Maynila.

Base sa report ni P/Supt. Roderick Mariano hepe ng MPD-Station 10, dakong ala-1:15 a.m. nang marekober ang nasabing truck sa Mendiola Ext. Otis Paco, Maynila.

Ayon kay Angelito Usi, Operations Manager ng Fastcargo Logistic Corporation, dakong alas-11:07 kamakalawa ng gabi nang umalis ang truck (RDK-302) na minamaneho ni Joven Dela Paz kasama ang dalawang pahinante mula sa National Distribution Center ng Colgate-Palmolive sa Elisco Road, Brgy. Ibayo Tipas, Taguig City patungo sa isang terminal ng Victory Liner sa Pasay City.

Matapos maidiskarga ang ilang kahon ng produkto ay nagtungo naman ang truck na minamaneho ni Dela Paz sa Fast cargo Warehouse sa Pascor Drive Paranaque City kung saan dito na hinarang ng mga suspek.

Agad umanong tinalian ang driver ng truck at dalawang pahinante nito at saka sila ibinaba sa hindi matukoy na lugar.

Dahil nawalan na nang contact si Usi  kay dela Paz dakong alas 11:37 mula sa kanyang Global Positioning System( GPS) ay agad na itong nagreport sa himpilan ng National Capital region Police office (NCRPO).

Sa pamamagitan pa rin ng GPS ay natunton agad ang nasabing truck kaya nakipag-coordinate ang NCRPO sa MPD-Station 10 dahil nasa kanilang nasasakupan ang nahijack na truck.

Dito inabutan ng pulisya ang nasabing truck at apat na suspek  kung saan naaktuhan ang mga ito na inililipat ang mga produkto sa isa pang truck.

Nang hanapan ang mga suspek ng kaukulang dokumento at walang maipakita ay agad na silang inaresto at dinala sa himpilan  ng MPD-Station 10 upang sampahan ng karampatang reklamo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply