“Hindi ako naging kabit ni Piolo Pascual”—Yul Servo

HULI man daw at magaling, naihahabol pa rin!

Totoo ito sa kaso ni Yul Servo,  na nag-take time para makarating  sa presscon ng Rosario na ginanap sa malayong resto sa dulo ng Panay Ave. at Timog Ave.

Hindi raw kasi siya nagkaroon ng pagkakataon noon na ipagtanggol ang bestfriend niyang si Piolo Pascual sa mga negatibong intriga na nagli-link sa kanilang dalawa.

“Hindi ko na naipagtanggol si Piolo dahil pinagbintangang kabit daw niya ako, di po totoo ‘yun.

“Iyon na nga, naagaw na ang attention ko ng pulitika. Akala ko kasi hindi ako mananalo. Nang magpaalam ako sa manager ko (Direk Maryo delos Reyes) na pagbibigyan ko ang Papa ko na pumasok ako sa pulitika, ayaw niya. Sinabi pa nga niya sa akin na tatanggalin na daw niya ako sa listahan ng mga mina-manage niya.

Pero tinutulungan pa rin niya ako na magkaroon ng isang napakagandang role bilang asawa ni Jennylyn Mercado dito sa Rosario.

“Yung tungkol kay Piolo, hindi talaga totoo iyon. Actually, naapektuhan ang friendship namin noon. Nataon din sa pagpasok ko sa pulitika, kaya hindi ko namalayan na nawala na pala ang communication namin.

Hanggang ngayon, wala na talaga kaming panahon sa isa’t isa,” paliwanag ni Yul.

Bukod kay Piolo, nag-deny din si Yul na nagkaroon siya ng relasyon kay Nora Aunor nang gawin nila ang Naglalayag.

“Hiyang-hiya ako noon kay Ma’m Nora (Aunor). Hindi ko alam kung saan nag-umpisa iyon. Sabi naman nila, talaga raw lahat ng nagiging leading man niya ay natsitsismis na karelasyon niya. Gusto ko nga siyang pasalamatan noon dahil nanalo akong, Best Actor sa Brussels  International Film Festival, pero hindi na rin ako nagkaroon ng pagkakataon.

“Second time na nanalo ako bilang Best Actor sa ibang bansa (Brussels International Film Festival din) para sa Batang West Side at pangatlo sa Torotot. Lahat ’yun sa Brussels Film Festival. Sa pulitika naman, second term ko ang pagiging councilor sa 3rd District sa Maynila. At tuloy-tuloy pa rin sa third term.

Iba rin po ang fulfillment ko sa pagtulong sa taga-distrito ko. Kaya magagalit na naman sa akin si Direk Maryo dahil marami na namang mga projects ang tatanggihan niya.” Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply