Holdaper 2 beses umatake

DALAWANG beses umatake sa magkakahiwalay na lugar ang mga holdaper sa Navotas City kamakalawa.

Ganap na 3:30 kamakalawa ng hapon nang unang maganap ang pangholdap sa isang pampasaherong jeep na may rutang Navotas-Divisoria.

Nakilala ang mga biktima na sina: Jennifer Panigar, 26, dalaga, ng Northbay Boulevard North; Maria Grace Gotico, 32, pawang taga-Navotas City at Evelyn Macabanas, 32, residente ng Pasay City.

Ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek ay  tinatayang nasa edad na 30 at 33 na pawang armado ng patalim at mabilis na tumakas matapos na maisagawa ang panghoholdap.

Base sa mga biktima, sakay sila ng isang pampasaherong jeep patungong  Divisoria. Pagsapit sa paanan ng Marala Bridge ay kaagad na nagbunot ng patalim ang mga suspek saka nagdeklarang holdap.

Dakong 10:30 ng gabi naman ay isang Diana Miralles, 15, estudyante, ng Phase 2, Blk. 3, Area 2,  ang naholdap rin. Natangay mula sa kanya ang isang celphone na nagkakahalaga ng P6,000.

Isang holdaper na nakilala sa pangalang Mac Mac Villanueva at isang hindi pa nakikilalang suspek ang nakalalaya pa. Roger Panizal

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply