Homicide case vs Jason Ivler, ibinasura ng SC

IBINASURA ng Korte Supreme ang homicide case laban kay Jason Ivler kung saan pinagbintangan siyang nakapatay kay dating Malacañang adviser for resettlement Nestor Ponce Jr. noong 2004 sa isang road accident sa Pasig City.

Sinabi ng korte na di na maaaring kasuhang muli si Ivler ng krimeng reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.

Ito ay dahil sa na-convict na si Ivler sa kasong reckless imprudence resulting in slight physical injusry sa parehog insidente.

“We hold that prosecutions under Article 365 should proceed from a single charge regardless of the type or severity of the consequences,” anang bahagi ng 28-pahinang desisyon na sinulat ni Associate Justice Antonio Carpio.

Si Ivler ay anak ni Marlene Aguilar na siya namang kapatid ng mang-aawit na si Freddie Aguilar na sumikat sa kanta niyang “Anak.”

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply