Honda tumirik kay Tuñacao

MATAGUMPAY na nadepensahan ni Pinoy pugilist Malcolm “Eagle Eye” Tuñacao ang kanyang hawak na OPBF bantam title yesterday matapos sumikwat ng fifth-round stop page win laban kay Japanese Hidenobu Honda sa Bunka Hall sa Kobe, Japan kamakalawa.

Ito ang pangalawang pagkakataon na nadepensahan ni Tuñacao ang kanyang korona na napanalunan niya noong Pebrero at una niya itong naipagtanggol sa Nagoya noong Hulyo.

Ipinakita ni Tuñacao ang kanyang bagsik laban kay Honda sa pamamagitan ng paggamit ng taktika at lakas.

Nabatid na nakatulong kay Tuñacao ang pakikipag-sparring niya kay dating WBC bantam champion Hozumi Hasegawa.

Sina Tuñacao at Hasegawa ay kapwa nagsasanay sa sikat na  Shinsei Boxing Gym sa Kobe.

Si Honda ay nalugmok sa kartadang 33 wins, 8 losses na may 15 KO’s habang si Tuñacao ay umangat ang rekord sa 27-2-3, 15 KO.

Dahil sa panalong ito, maaari umanong mabigyan ng pagkakataon na harapin ni Tuñacao si WBC title against Fernando Montiel. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply