Hula kay Vic Sotto, marami pang karelasyon ang darating

MAGKABATI man raw sina Pia Guiano at Vic Sotto ay hindi pa rin positibo ang tingin ni Madam Maricel Gaskell sa relasyon ng dalawa dahil marami pa daw silang problemang pagdaraanan na magiging dahilan ng kanilang away-bating relasyon.

Sa simula pa lang raw ay hindi na compatible ang personalidad at zodiac sign nina Vic at Pia. At ang isang bagay na tiyak ay di raw si Pia ang huling babae sa buhay ni Vic Sotto. May mga bagong relasyon pa raw darating sa buhay ni Bossing.

Proven na ang ginagawang panghuhula ni Madam Gaskell na in-demand ngayong psychic-spiritual adviser at hindi lang mga celebrities ang kumokonsulta sa kanya, may mga negosyante, politician at mga mayayaman na sumasangguni sa kanya para sa iba`t-ibang aspeto ng negosyo, career at lovelife.

Ang regular exposure niya sa Juicy at Paparazzi ng TV 5 ang naging daan upang madoble ang kanyang popularidad.

GREAT HITMAKERS, WALA PA RING KONTRATA SA PWNW

Matagal-tagal na rin nagho-host ng Pilipinas Win na Win ang tandem nina Rico J Puno, Marco Sison, Rey Valera at Nonoy Zuniga pero hanggang ngayon daw ay wala pa rin kontrata ang apat bilang host ng nasabing programa.

Tsikang nakipag-usap na raw ang apat kay Ma`m Charo Santos na bigyan na sila ng kontrata dahil hindi pa rin definite kung magkano ang talent fee (suweldo) nila at kung hanggang kailan sila magtatagal sa show.

Tumataas naman daw ang rating ng show mula nang sila ay mag-take over at nakita nilang mayroon silang supporters.

Pagmamalaki ni Rico J, klik naman raw ang tandem nila ni Pokwang kahit may umiintriga sa kanila na trying hard daw ang paglalandian nila.

Sabi naman ni  Rico J sa mga umiintriga: “Mas maraming may gusto sa tandem namin ni Pokee kasi may mga fans club na kami.”

Di ba Ernie E.?

*********

Wala raw dahilan si Marian Rivera para pagselosan si Regine Velasquez na siyang magiging kapartner ng kanyang love na si Dingdong Dantes sa “I Heart U Pare” TV series na malapit nang mag-umpisa ang taping.

Alam ni Marian na malabong magkadevelopan ang dalawa dahil kapwa nila alam na may kanya-kaniya na silang itinatangi sa kanilang puso.

Anuman daw intrigang gawin ay dedma lang siya at never siyang magpapaapekto lalo na parang ate na lang niya ang Songbird.

Kaysa patulan o pag-ukulan raw niya ng panahon ang isyung pinagli-link sina Dingdong at Regine ay mas bibigyan pa raw niya ng attention ang pagte-taping ng “Show Me Da Manny” kung saan napatunayan ni Marian na hindi lang siya pang-drama, puwede din siya magpatawa at makipagsabayan sa mga kasamang komedyante na sina Benjie Paraz, Pekto, Onyok Velasco, John Lapuz, at iba pa na kasama sa sitcom.

************
Hindi namin maintindihan kung anong gustong palabasin nitong brand ng sabon ba na olive kuno na pampa-beauty na para mapag-usapan ang kanilang product ay nagpa-contest sa mga campus kunu-kuno ng Mr and Ms Campus?

Bakit hindi na lang kumuha ng celebrity endorser para mabigyan ng tamang exposure sa TV at makatulong ang nakuhang  endorser na mai-promote sa tama ang kanilang product.

Tila totoo yata ang nakarating sa amin na may malaking problema sa financial ang naturang product kaya hindi makakuha ng sikat na celebrity.endorser ?

Anyway, sabi nga ng mga kasama natin sa panulat, kanya-kanyang gimik lang daw yan para mapag-usapan ang kanilang product.

Ang tanong, mapag-usapan kaya naman ang kanilang product na hindi naman yata talaga effective na pampakinis ng balat at kung anu-ano pang ek,ek,ek na pakulo. Gerry Ocampo

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply