Human bird flu sa Hong Kong kinumpirma

KINUMPIRMA ng  Hong Kong ang kauna-unahang kaso ng human bird flu matapos ang pitong taon.

Ayon kay Secretary York Chow, isang 59 anyos na babae ang nagpositibo ng H5N1 bird flu matapos bumalik sa Hong Kong galing Chinese mainland, at nasa seryosong kondisyon ngayon sa isang lokal  na hospital sa naturang bansa.

Dahil dito, inalerto ng gobyerno ang kanilang kababayan, kung saan maaaring kumalat ang sakit dahil kontaminado na ng naturang virus ang lugar.

Ayon kay Chow, nagsagawa na ng meeting ang Hong Kong officials matapos makumpirmang mayroong ng human bird flu ang bansa.

Unang umatake ang bird flu virus sa Hong Kong noong 1997 kung saan anim na katao ang namatay.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply