Ibalik sa mga motorista ang mga multa sa traffic lights

MGA suking motorista, lalo na ang mga drayber, alam ba ninyong ginagatasan kayo ng mga trapik pulis, trapik enporser ng lungsod at Metro Manila Development Authority dahil sa mga trapik layt sa Metro Manila?

Kaugnay ito ng pinagsasabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino ukol sa mga trapik layt habang iniinterbyu siya ni Manong Joe Taruc sa radyo nitong nagdaang mga araw.

Pinakinggan natin ng husto iyon at hindi tayo nagkamali sa ating narinig.

Muntik na akong nalaglag sa aking inuupuan habang ako’y nagkakape nang mangumpisal si Tserman.

Dispalinghado pala, Suki, ang mga trapik layt.

Kaya naman, sobrang mabagal o mabilis ang pagpapalit ng mga ilaw.

Gusto sana umano nilang ipatingin sa kompanyang Australiano ang mga depekto dahil nabili sa kanila ito pero nagsara na iyon.

Kaya naman, ginagawan na lang umano ng paraan ng MMDA ito.

oOo

Bigla nating naalaala, Suki, ang ating mga naisulat dito at saktong kumonek sa pinagsasabi ni Tserman.

Kahit saan mabilis na nagpapalit ang mga ilaw at mabilis pa sa kidlat ang pagpapatay-sindi ng dilaw na hudyat ng pag-iilaw ng green na go at red na stop.

Pero hindi rito tayo nakapokus kundi sa paggamit ng mga trapik pulis at enporser ng mga lungsod at MMDA ng nasabing mga trapik layt sa panghuhuli.

Walang pinakikinggan ang mga pulis trapik at enporser na katwiran ng mga hinuhuli nilang mga motorista.

Ang importante sa kanila ay manghuli, mag-isyu ng tiket, mangumpiska ng lisensiya at magsampa ng mga karagdagang kaso sa mga may lakas ng loob na makipagtalo sa kanila dahil sa mga depektibong trapik layt.

Kasi naman, bawat ilalagay nila na bayolesyon sa tiket, magkakaroon sila ng komisyon.

O Tserman Tolentino, pupuwede bang pangunahan mo ang pagsasauli ng lahat ng mga multa na pinagsisingil ng MMDA sa mga “trapik bayoleytor” sa trapik layt?

Mga onorabol meyor, paano naman ang inyong panig, huh?

Eh yang mga pulis na nanghuhuli rin, paano, Heneral Raul Bacalzo?

KAY GANDANG PALPAK

Napakalaking gulo ang nilikha ng islogan ng Department of Tourism na “Pilipinas kay ganda.”

Nagresayn si DOT Usec. Enteng Romano makaraang iredyek nina Juan at PNoy ang islogan.

Katumbas ng pagbibitiw sa puwesto ang kapalpakan.

Palpak dahil kinopya sa islogan ng Poland at ginastusan pa ng P5 milyon sa launching nang walang testing.

Kung iisipin ang pangyayari, aba, napakaganda yata ang ginawa ni Romano.

Dapat na tularan si Romano ng iba na ang dami ng mga kapalpakang ginagawa.

Por eksampol, sino ang may gawa ng proklamasyon ng amnestiya kina Senador Tony Trillanes, huh?

Palpak umano ito kaya dapat ito retokihin para tumugma sa batas.

Yung mga pinag-iisyu na executive order na pinagbabawi at pinagreretoke gaya ng panlaban sa mga midnayt apointi, paano?

Paano rin ang mga pumalpak sa Luneta masaker.

Walang nag-ala-Enteng at nagpakapalan lang sila ng mukha. Hohum! Rey Briones

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply