‘Idol’ ni Sarah tinapos dahil sa rami ng problema

NAGING honest si Sarah Geronimo nang amining nagkaroon ng maraming poblema ang kanyang teleserye sa ABS-CBN na ‘Idol’ dahil sa maraming problema na kinaharap nito.  Aniya, resulta ito ng ginawang pagbabago sa istorya na medyo ginawang ordinaryong istorya ng buhay ng tao.

“Siguro, hinanap talaga ng mga tao, ng masa, yung drama, ‘yung heavy drama sa isang teleserye.  So, bumalik kami doon.”

Dahil sa pabago-bago ng istorya ay talagang kinakailangan nilang mag-taping ng halos araw-araw para makahabol sa mga eksenang ipapalabas sa araw din ‘yun.  Hindi kinaya ng power ng aktres dahil nagkapatong-patong na ang kanyang sked kaya minabuti na lang na tapusin agad.

Very honest din siya sa pag-aming talagang sadsad sa rating ang kanyang teleserye at biktima sila ng madaliang pagpaplano ng isang proyekto. “Sana next time mapag-isipan po mabuti ang isang proyekto, hindi po ‘yung madalian tayo.  Lahat naman ay natuto sa experience na hindi na maganda.”

John Lloyd Cruz, amnesia king

Dahil ‘kalimot’ ang tema ng usapan sa naganap na presscon ng pinakabagong pelikulang  My Amnesia Girl ay natanong  ang isa sa bida na si John Lloyd Cruz kung nagka-amnesia na ba siya dahil ayaw aminin kung anumang pagmamahalan na nangyari sa kanila ng isang beauty queen na aktres.  Agad na nakuha ng aktor ang gustong tukuyin ng press, “Alam ko na kung sino ang tinutukoy ninyo!” na naging daan para magtawanan ang press.  Dagdag pa nito, kung mahal mo ang isang tao, dapat ipaglaban mo siya.  Huwag siyang pabayaan.

Dahil bawal magtanong ng bagay na walang koneksyon sa pelikula ay natanong si Lloydie sa kanilang unang tambalan ni Toni Gonzaga.

Aniya, walang ilangan na nangyari sa kanila dahil agad silang nagka-vibes.

Inamin ni Toni na noon pa nito gustong makatambal at ngayong naka-eksena na nito ang aktor ay lalo siyang napabilib dito dahil hindi nang-iiwan sa eksena kaya naman, ganado siyang  makatrabaho ito.

Sa kanilang mga eksenang halikan ay talagang pinaghandaan nila at pinag-usapan nila ito para maganda ang dating sa screen. Nakita ni Toni kay Lloydie ang pagiging kenkoy, kuwela at gentleman kaya gustong-gusto nitong makatrabaho.

Kasama sa ‘My Amnesia Girl’ sina Joross Gamboa, Carlos Agassi, Ketchup Eusebio, JM de Guzman, Beatrice Saw, Atoy Co at ito’y mula sa direksyon ng box-office director ni Cathy Garcia-Molina.  Speaking of Beatrice, ang grand winner ng PBB ay hindi agad siya nakilala sa presscon dahil may hawig siya kay Kim Chiu na isa rin grand winner ng PBB.  Ayon sa kanya, hindi siya naiirita kung mapagkamalan siyang Kim dahil compliment ito para sa kanya.  Kaya hindi agad siya humataw sa mga show ng Kapamilya ay dahil puspusan siyang nag-acting workshop dahil ayaw nitong mapulaan sa kanyang pag-arte.

PERSONAL:  Binabati namin si Dra Amy Tinaza sa kanyang matagumpay na pagdalo sa Aesthetic Asia 2010 sa Marina Bay Sands, Singapore noong September 17 hanggang 19, 2010. Ito ang pinakamalaking event sa Asya para sa Aesthetic Desciplines on Global Anti-Aging Congress and Exhibition on Plastic Surgery, Aesthetic Dermatology, Anti-Aging Technologies and Practice and Medical Spa.  Ang kanyang klinik, AMT Clear Skin Facial Clinic ay matatagpuan sa 3rd Flr, Victory Mall, Monumento, Caloocan City at puwedeng tawagan sa linyang 351-1543. Alex Datu

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply