Ika-3 ginto sinungkit ni Saludar para sa PHL

BINUGBOG ni Pinoy pug Rey Saludar ang matigas na great wall body ni Chang Yong ng China upang hugutin ang ikatlong medalyang ginto para sa Pilipinas sa nagaganap na 16th Asian Games sa Guangzhou, China.

Hindi nagpatinag si Saludar sa opening round matapos makipagsabayan ng sapakan kay Yong kung saan ay nakalamang agad ng 1-0 ang huli sa kanilang 52 kg. final bout.

Pagtunog ng bell sa round two ay buong puwersang pinagtitibag ng 23 anyos Saludar ang matigas na katawan ni Yong upang makuha ng Pinoy boxer ang 10-3 bentahe.

Bagama’t mahina na ang pundasyon ng pader ng Chinese boxer ay nakuha pa rin nitong makipagsabayan subalit hindi na ito binigyan ni 2009 SEA Games bronze medalist Saludar ng pagkakataon kung kaya’t sinelyuhan na ng huli ang una at upang maibulsa ang pangatlong medalyang ginto sa boxing event sa score na 13-11.

Nakuha sa bowling event ang unang gold ng Pilipinas matapos magkampeon sa single’s division si Biboy Rivera at pagkatapos ay dinagdagan ito ni Pinoy cue Artist Dennis Orcollo ng mamayagpag sa 9-ball single’s division.

Samantala, nakuha ni Pinay boxer Annie Albania ang silver medal matapos yumuko kay Chinese pug Ren Ren Cancan, 7-5, sa final bout ng 48-51 kg.

Tig isang gold, silver at bronze ang naiambag sa boxing event para sa Pilipinas kaya naman nadagdagan ang medal tally ng bansa sa3-9, gold-silver-bronze.

Nakuha ni Victorio Saludar ang bronze medal sa 46-49 kg. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply