Ilan ang nadisgrasya at namatay kay Pacquiao

MEDYO tumayo ang balahibo ko sa mga nagsisilitawang balita ukol sa mga disgrasya at kamatayan ng mga fan ng idol ng bayan, si Congressman Manny Pacquiao ng Sarangani.

Bago pa magkaroon ng laban sa pagitan nina Pacman at Antonio Margarito, may nababalita nang nagsusuntukang mga lasing  o magkakaibigan kaya dahil kay Pacman.

Karaniwang nagaganap ang mga iyon sa pro at anti-Pacman na usapan.

Pero sa kalagitnaan ng laban at makaraan ang laban nina Pacman at Margarito, andiyan na ang mga seryosong disgrasya na nauuwi pa sa kamatayan ang iba.

Tingnan ninyo, mismong si Mommy Dionisia ay tinamaan ng nerbiyos nang makorner ni Margarito si Pacman ng kung ilang beses.

Nahilo at nawalan umano ng malay sa ilang saglit si Mommy Dionisia nang makita niyang napapangiwi o nayayanig si Pacman sa malalakas na banat ng tornado ng Mexico.

Mabuti na lang at nanaig ang mga agimat na ipo-ipo at kidlat ni Pacman.

oOo

Subaybayan ninyo, Suki, sa mga araw na ito ang mga balita sa mga pahayagan kung ilan ang inatake sa puso dahil sa kanilang katuwaan sa panalo ni Pacman.

May mga kinuha ni Lord samantalang yung iba ay na-comatose.

Ang mabigat diyan ay ang mga naospital at dead on arrival sa ospital.

Mabigat din siyempre ang ma-comatose ka.

Akalain mo, dahil lang sa boksing ay maoospital o mamamatay ka.

Habang tinitipa ko ito, da-lawa ang kumpirmadong patay.

May mga pinagbabaril din sa kasagsagan ng laban at dalawa rito ang pulis sa Maynila at sa Mindanao.

Isinabay kasi sa boksing ang mga krimen.

May mga halos maatake rin sa puso dahil sa panonood ng mga pulis sa laban.

Pumunta kayo sa Manila Police Bambang Station at may naka-blotter doon na mga pagnanakaw ng mga motorsiklo.

Para raw walang sigla ang mga pulis doon na tumanggap ng mga reklamo at yung itulak na lang ang mga nanakawan sa anti-carnapping unit sa MPD ang ginawa ng mga ito.

Totoo kaya ito?

Ano nga pala ang tugon ni Pacman sa mga namatay o naospital dahil sa kanya?

Ask ko lang poh!

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply