Ilang lugar sa Muntinlupa City 6 na oras na mawawalan ng supply ng tubig

ANIM na oras na mawawalan ng supply ng tubig ang ilang parte ng Muntinlupa City simula Huwebes ng gabi bunsod ng pag-aayos ng planta ng water concessionaire Maynilad Water Services, Inc.

Ayon sa Maynilad, nakatakda silang magsagawa ng water treatment plant kung kaya’t mawawalan ng supply ng tubig simula 10:00 ng hapon ng Huwebes hanggang Biyernes nang 6:00 ng umaga.

“Putatan Water Treatment Plant (will be) shutdown due to maintenance … This project will temporarily affect water service in (some) areas in Muntinlupa City,” Ayon pa sa Maynilad.

Maapektuhan ang mga lugar ng Alabang, Cupang, Bayanan, Putatan, Poblacion at Tunasan.

Pinapayuhan ang mga residente ng naturang lugar na mag-imbak na ng kanilang tubig na sasapat hanggang Biyernes ng umaga.

Maaari rin silang tumawag sa Maynilad Hotline 1626 para sa mga updates at karagdagang impormasyon.

Matatandaang nagpalabas na ng anunsyo ang Maynilad na 36 na oras ding mawawalan ng supply ng tubig ang Southern Metro Manila at ilang lugar sa Cavite simula Huwebes ng umaga.

“The water supply interruption is due to some maintenance work and upgrading of facilities”, ayon pa sa Maynilad.

Maaapektuhan din ang mga lugar ng Pasay, Parañaque at Las Piñas; at Bacoor, Imus, Noveleta, Kawit at Cavite City naman sa Cavite province.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply