Ilang senador, bukas sa panukalang limitahan ang Lotto jackpot

BUKAS ang ilang senador sa mungkahi na limitahan sa P500 milyon ang Lotto jackpot.

Ngunit ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, hindi dapat kaagad na limitahan ang panalo sa Lotto. “Pag napanaluhan na iyon, saka…babaguhin, huwag na ngayon.”

Nagsumite kamakailan ng resolusyon si Eastern Samar Rep. Ben Evardone na humihimok sa House Committee on Games and Amusements na tingnan ang posibilidad na limitahan ang Lotto jackpot sa kalahating milyong piso.

Ayon kay Senate Majority Floor Leader Francis Escudero, ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dapat magdesisyon ukol dito.

Binawi na ni Pangulong Benigno Aquino III mula sa Department of Health ang pangangasiwa ng PCSO sa pamamagitan ng Executive Order No. 14. Inilipat na ang ahensiya sa Office of the President.

“Nasa sa kanila na ‘yon kung saka-sakali. Pero kung lilimitahan man iyong premyo, dapat lahat ng sobra…mapunta na lahat… sa charity,” ani Escudero.

Di naman ito kinatigan ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada. “Bakit lalagyan ng ceiling? Kahit umabot ng isang bilyon, swerte-swertehan lang yan. It’s a game of chance. Pero sana ang mga mahihirap ang manalo.”

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply