Iligal na eksaksyon sa Sorsogon pier (2)

SAAN man tingnan, maituturing na iligal na eksaksyon ang paniningil ng munisipyo ng Pilar, Sorsogon ng P5 arrival fee sa mga traveller/seafarer mula sa ibang lugar o sa Masbate.

Minsan naitanong natin kung para sa ano ang koleksiyong tiglilimang pisong ito. Iba-iba ang kasagutang nakukuha natin.

Para sa ilan, para raw sa maintenance ng nasabing pantalan/daungan. May nagsasabi namang ARRIVAL FEE raw from DISEMBARKING/ARRIVING PASSENGERS.

Ano????? Merong DEPARTURE FEE sa mga departing plane passenger at pinapayagan yan ng batas.  Pero ang ARRIVAL FEE?  Only in Pilar, Sorsogon, Philippines, ladies and gentlemen!

Ang ganitong uri ng eksaksyon ay maaari pang maging UNCONSTITUTIO-NAL for being unduly restrictive of an individual’s right to travel – at dito pa mismo sa Pinas!

May nakapagsabi sa Rapidfire na kaya naman nangungulekta ng arrival fee na yan sa Pilar port ay sa dahilang HINDI naman pala regular port ito, kundi isang FISH PORT. Ang isang fishport, ayon sa batas, ay dinadaungan lamang ng fishing boat na nagde-deliver at nagbebenta ng kani-kanilang huling isda sa merkado/mamimili.

Kaya naman pinapagbayad ng kaukulang TARIPA ang mga may-ari ng bawat fishing boat na dumadaong sa fishport – which, of course, is only fair and permitted by law. Subalit mahigpit na IPINAGBABAWAL na ang isang fishport ay gawin o i-convert na isang regular passenger/cargo port, at the same time.

Kaya kung totoo ngang fish port at hindi regular port ang pantalan/daungan ng Pilar, Sorsogon, aba’y may malaking pananagutan ito sa batas ng Pilar.

Dapat busisiin at aksiyunan na ng mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan ang taun-taon nang MILAGRONG ito sa bayan ng Pilar, Sorsogon!

Paging PNoy, Sec. Jesse Robredo, Philippine Coast Guard, Maritime Industry Authority, Board of Transportation at iba pa. Alex Almario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply