Iligal na eksaksyon sa Sorsogon pier

BUSISIIN natin, mga Bok, itong isang uri ng COLLECTION na matagal nang ini-impose ng pamahalaang bayan ng Pilar, Sorsogon at matagal-tagal na ring inirereklamo ng maraming traveller/seafarer.

Ang tinutukoy po natin ay ang pangongolekta ng tigli-limang piso (P5.00) riyan sa ‘port of Pilar’ kada pasaherong sakay ng mga pampublikong lantsa/sasakyang dagat na galing ng iba’t-ibang mga karatig ba-yan ng Pilar o sa lalawigan ng Masbate.

Ayon kasi  sa RA 7160 o Local Government Code (LGC), ang PORT SERVICES ay isa sa mga mandatong OBLIGASYON ng isang COASTAL local government unit (barangay/bayan/lungsod/lalawigan).

Ang isang LGU ay may tinatawag na DUAL CHARACTER.

Yan ay ang governmental at proprietary (or business) nature nito.

In the discharge of its governmental functions, a local government unit is IMMUNED from suit, considering that it acts as PART of the STATE.

Ang sabi ng batas, ang tinatawag na governmental functions ay yung tungkol sa KAPAKANAN ng taumbayan, kagaya ng kapayapaan, food security, health  and related services, good roads/bridges/other infra, edukasyon ng kabataan, kalinisan ng kapaligiran, at kung ano-ano pa.

Ang tinatawag na proprietary functions naman ay yong revenue-making/generating functions ng LGUs upang magkapera sila at di lang lubusang aasa sa tinatawag na automatic internal revenue allotment (IRA) for their day-to-day functions.

Dapat din kasing makalikom ng karagdagang  pondo nang lalong mapag-ibayo pa ng LGU  ang delivery of basic services sa taumbayan sa kani-kanilang hurisdiksiyon.

In the discharge of its proprietary functions, a municipal corporation may be sued in court.

Dahil sa ang port ser-vices nga ay isa sa mga GOVERNMENTAL responsibilities ng isang LGU, ang proper maintenance ng kada port o pantalan ay dapat ina-assume na ng LGUs,  at hindi dapat iniistorbo – o kinokolektahan – ang travelling public hinggil dito.  Alex Almario

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply