Iligal sa Rizal protektado ng PNP officials

(Ating bibigyan daan ang padalang email message ng isa sa mahal nating mambabasa). NOV. 21,2010

Sir,

Sumulat  po ako sa inyo  sa pamamagitan ng malawak ninyong kolum sa diyaryo na maipaabot sa kinauukulan ang talamak na iligal na gawain na namamayagpag dito po sa amin sa Rizal.

Tulad ng bookies, jai-alai, loteng, video karera, iligal na kahoy na idinadaan sa amin, na pawang ang mga may-ari at protektor ay mga pulis na nakatalaga sa Rizal PNP Command.

Tulad na lamang ng Jai-alai, kamakailan lang ay nagsulputan sa bawat bayan at siyudad  dito sa Rizal, na inaprubahan at binigyan ng permit ng mga Mayor, ngunit ang katotohanan, ang nasa likod nito ay pinatatakbo ng isang alias Jake na tauhan ni Atong Ang.

Habang ang tumatayong kolektor ay sina SP01 Nomer Reymundo at SP04 Rudy Abion na nakatalaga bilang Intelligence Officer ng Rizal Provincial Police Office.

Bukod po sa pagiging kolektor ng mga ito ay sila rin ang may-ari  ng nagkalat na video karera sa bawat bayan at siyudad na pawang mga tauhan ni Supt. Marlon Balonglong, na siyang nagmamani-obra naman at tumatayong boss o protektor ng mga iligal  sa Rizal.

Dahil sa pagiging bagyo nito sa dating DILG Sec.Ronaldo PUNO, kung kaya wala ritong bumabanggang opisyal, maging ang itinalagang bagong Rizal PNP Provincial Director na si Sr. Supt. Manuel Cesar Prieto, kahit na ang Regional PNP Director 4-A na si Chief Supt. Samuel Pagdilao ay takot kay Supt. Balonglong.

Hindi lang pagiging protektor ng Illegal Gambling si Supt.Balonglong,  maging ang iligal na magkakahoy na lumulusot sa Rizal galing ng Quezon Province, Laguna at iba pang lalawigan ay si Balonglong at kapatid nito na si Chief ng CIDG ng Rizal na si Chief Insp. Dazkeo ang siyang protector, habang  ang tumatayong kolektor nito sa mga iligal na magkakahoy ay si SP01 Mar Panganiban, na may imbakan ng kahoy na siyang may-ari at bumubili sa mga illegal na magkakahoy na matatagpuan sa Padilla, Antipolo City,  habang ang tumatayong kasosyo nito ang dalawang opisyal na magkapatid na si Balonglong at Dazkeo.

Ang dalawang opisyal na ito ng Rizal PNP ay matagal na sa lalawigan ng Rizal.  Halos siyam na taon na at kung maaalis man ito sa isang posisyon ay nagpapalitan lamang ang mga ito ng puwesto sa Rizal dahil sa lakas nila kay Dating DILG Sec. Ronaldo Puno.

Kasi si Chief Insp. Dazkeo ay inaanak sa kasal ni Puno kung kaya mabilis tumaas ang mga ranggo ng mga ito bilang opisyal ng PNP.

Sana po sa pamamagitan po ng inyong kolum ay mapansin ito ng pamunuan ng Director General ng PNP na si Raul Bacalzo, lalo na ang bagong DILG Sec. Jess Robredo, maging ang DENR Secretary , na kung talagang sinsero po silang linisin ang pamahalaan ay nandito lamang po sa kalapit nila  ang mga opisyal ng PNP na dapat nilang sibakin!

Salamat po!

Kung sino man ang nakakakita ng hindi maganda o anomalya sa  inyong paligid, maaari kayong mag-text sa CP#09213813053 o mag-email sa arnold112761@yahoo.com. Arnold Pajaron

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply