Impressions

Kumpara last year, mas dumami ang supporters ngayong taon ng isinasagawang regional competition on haircut and make-up (for red carpet and bridal events) ng PICA (Philippine International Cosmetologists Association), ayon sa mga tagapagtaguyod ng nasabing samahan ng mga hairdressers at salon owners sa Bicol Region.

Kasama ng PICA entourage, led by its current president Fanny Serrano and his entire board, we went on a two-day, two-night trip, last October 19, 20, and 21, to Daraga and Legazpi City, in Albay, to cover the Cosmetologie-Bicol 2010 events.

Two-day affair ang Cosmetologie in Bicol 2010, na ang main event ay ang October 20 regional competition, in hair cut (male and female), and make-up (for red carpet and bridal events).  Ginanap ito sa Albay Astrodome, in Daraga, Albay.  Upon arrival, nagkaroon ng mini-press conference para sa mga kinatawan ng PICA-Bicol Chapter (kabilang ang pangulo nito, Ching Dondonilla, at Mr. Yco M. Tan, Jr., Vice-President) at Fanny Serrano, ang over-all President ng PICA sa kanyang ikalawang termino.

Nasa presscon din ang 2009 Mutya ng Pilipinas, Ms. Jane Banares, ang American hairdresser na si Mr. Ken Palmer (nag-haircutting demo sa main event) at Ms. Irish ng i2 Beauty Care Products (distributor ng Clairol) na isa sa major sponsors.

Ang mga kabilang sa PICA Board of Directors na nakasama ay sina: Bong Aparente,  John Delos Santos, Charlie Enriquez, Sharon Ibe, Gloria Katipunan, Jun Laguardia, Gem Manuel (secretary),  Louie Cabral Ortiz, Bong Policarpio, Ernie Viray, at Boyet Zapanta.  With Tita Fanny was his personal assistant, Carlito Peralta.

Bahagi ng itenarary, sa unang araw (October 19) ang Motorcade na nagpasaya sa mga nakasaksing Bicolanos.
Mula sa Albay Astrodome (venue ng competition and seminars), tinahak ng grupo ang mga daan patungong kabisera ng Legazpi City (downtown area, where the big malls Legazpi Commercial Center and Legazpi-Gaisano are located), passing by the airport area, at mini-alleys of Daraga town, hanggang sa malaking market place na comparable sa Manila downtown.

Sakay ng float sina Tita Fanny at ang kanyang PICA national board, samantalang ang iba’y nasa mga sasakyang naka-convoy.  Mayroong sasakyan para sa banda, na talagang naka-attract din ng attention ng mga nasa kalye na nasiyahan sa nasaksihang motorcade.  Himalang hindi nanalasa ang bagyong “Juan” sa bahaging ito ng Bicol province, sa buong panahon ng PICA events!

PICA VS. FILHAIR

Bukod sa suporta ng mga salon owners at mga empleyadong hairdressers/make-up artists at manicurists/pedicurists, ang PICA regional competition sa Bicol na pinasimulan last year, sa lalawigan ng Sorsogon, ay nagpatuloy nang mas bongga ngayong taon, sa lalawigan ng Albay (sa bayan ng Daraga at Legazpi City).

“Next year, Naga City ang maghu-host ng events and competition,” pag-inform ni Mr. Ching Dondonilla,  angulo ng PICA-Bicol chapter.  Ang bise-presidente naman ng samahan, si Mr. Yco M. Tan, Jr., ay positibong mas magiging matagumpay ang susunod na taon ng kumpetisyon, dahil sa mga suportang manggagaling mula sa mga salon owners na nadagdagan this year, from Legazpi City at Masbate na nahimok na ring mag-miyembro ng PICA.

Maraming new members ang nakabilang sa induction, led by Fanny Serrano as inducting officer.  Patunay ito na ang goal ng samahan, “to professionalize the hairdressing/beauty care profession” ay totoong nagtatagumpay.  May pormalidad ang  proseso ng PICA, sa pakikipagtulungan ng mga ahensiyang pam-pamahalaan, tulad ng TESDA (Technical Education Skills Development Authority) at PESO (Public Employment Service Offices).

Kabilang ang ilang PICA board members, sa iba’t ibang rehiyon, sa mga TESDA-accredited trainers and assessors, tulad nina John Delos Santos, Louie Cabral Ortiz at Bong Aprente, among others.  Si Ching Dondonilla naman ang tanging TESDA trainer sa Bicol region.

Samantala, hindi maiiwasang mabanggit ang tungkol sa pagiging inactive ngayon ng isa pang samahan na dati  ang nagtataguyod sa kapakanan ng  mga hairdressers at iba pang bahagi ng salon business – ang FILHAIR, na identified kay Ricky Reyes, who, like Tita Fanny, is also a beauty expert (hairstylist, make-up artist).

Kumbaga, sina ‘Mother’ Ricky at ‘Tita’ Fanny ang malaon nang magkaribal sa kanilang propesyon. But their showbiz celebrity status and image are entirely distinct, dahil nakilalang lifestyle show host sa telebisyon si ‘Mother’ Ricky, while si Tita Fanny, o TF, ay isang aktor, na umaani ng mga papuri sa kanyang pagganap (as in his latest indie-starrer, Tarima by writer-director, Neal Tan).

Pero ang pagiging artist ni TF, kadalasan, ay nagiging second priority sa kanyang commitments sa propesyong natutunan nang mahalin through the years.  Dahil ito na rin ang naging buhay niya, habang patuloy na pinaghuhusay pa ang pagiging artista (sa telebisyon, pelikula, at maging sa tanghalan na nais din niyang balikan).

Ang commitment ni Tita Fanny sa beauty industry ay maituturing na ngayong advocacy, dahil nais niyang lubos na makatulong sa maraming maliliit na manggawang kabilang sa hairdressing and make-up at kaugnay na propesyon.  Sa pamamagitan ng PICA, may pag-asang nakikita si Fanny  tungo sa mas propesyunal at mataas na antas ng pag-iral ng mga kapatid sa hanapbuhay.

Can Ricky Reyes’ FILHAIR be far behind?  Not if the equally famous beauty ‘guru’ make up for certain alleged miscalculated moves, bilang pinuno rin ng samahan na may katulad na layunin.

As it is, ang nakarating sa amin ay ang hindi solid na grupo ng mga taga-FILHAIR (if ever meron pa nga nito), dahil sa kakulangan diumano ng panahon ni ‘Mother’ Ricky na tutukan ang mga activities ng grupo niya.  Kaya balitang maraming taga-FILHAIR noon, na nasa PICA na ngayon!

Para kay Tita Fanny, na wala namang masamang tinapay, mas mabuti kung mas maraming grupong susuporta para sa kapakanan ng mga naglilingkod sa salon industries.

“Walang mangyayari kung tayu-tayo  ay magsisiraan, hindi magiging masaya ang mundo natin,” sabi ni TF.  “‘Yan ang isang bagay na nakakasira, imbes na mas magpatatag sa samahan natin, bilang professional beauty care experts, so sana magkatulungan kesa magsiraan.

“Our goal is to professional the industry, upang tumaas ang level ng mga hairdressers at make-up artists,” sabi pa ni Fanny.

WINNERS ALL

Binubuo ng apat na categories ang Cosmetologie in Bicol 2010 Regional Competition.

Here are the Champions and their Runners-Up:

Category A (Men’s Cut and Color):
Christian Maxwell (model) and Michael Jimboy Breque (stylist), Champion.
Robert Balaoro (model) and John Real Biado (stylist), 1st Runner-Up
Ric Jayson Bermal (model) and Asuzena de Borja (stylist), 2nd Runner-Up

Category B (Ladies Cut and Color):
Patricia Grace Morada (model) and George Palaypay (stylist), Champion
Hazel Alvarado (model) and Jennifer Luna (stylist), 1st Runner-Up
Rachel Intias (model) and Pinky Monsalve (stylist), 2nd Runner-Up

Category C (Red Carpet Look):
Yasminah Ismail (model) and Danny Glim (stylist), Champion
Lorena Anave (model) and Toto Equia (stylist), 1st Runner-Up
Jennifer Balingbing (model) and Asucena de Borja (stylist), 2nd Runner-Up

Category D (Bridal Make-Up):
Darlene Teburcio (model) and Asucena de Borja (stylist), Champion
Princess Porcalla (model) and Paula Nullan (stylist), 1st Runner-Up
Ivy Ann Abano (model) and Emmanuel Monet Raquion (stylist), 2nd Runner-Up

Special Category (Nail Art):
Bless Barrameda (model) and Ms. Bambi (stylist), Champion
Imelda Marco (model) and Myra Lianzana (stylist), Champion

Meanwhile, maituturing ding panalo ang main event sa pagdalo ng mga importanteng panauhin, sa pangunguna ni Hon. Carmen Geraldine B. Rosal, City Mayor ng Legazpi; Mutya ng Pilipinas 2009 Jane Banares, Ms. Cristina “Tintin” Zantua, PESO Manager, Mr. Conrado G. Bares, TESDA Director Region IV, Marieflor Liwanag, in behalf of TESDA Region V Director, at Ms. Evelyn Hemady, of PICA-Bicol/Cam-Sur Coordinator.

Para sa reception, winner naman para sa amin ang mag-asawang Mr. Yco and Mrs. Beth Tan and company, for the welcome breakfast of Bicolano dishes and delicacies, at sa sumptuous dinner of sea foods and pinangat na laing, among others, sa huling gabi ng aming stay, sa El Carlos Hometel;  also,  Dr. Cecilia Neptuno and husband, Armando Neptuno, dinner host sa unang gabi, who served the group mouth-watering dishes like Bicol express, ginataang manok, pinangat na laing, grilled pusit, at iba pa. Pati ang breakfast host sa Biggs Burger, si Ms. Andrea Aldin.  Salamat din sa volunteers who assisted us with infos, Ms. Myrna Arnes of AHA (Albay Hairdressers Assn.), Lilia Tibe, and Jennilyn Cuebillas.

Ang next big event ng PICA ay ang General Assembly at Christmas Party, on December 6, at the Rembrandt Hotel.

Samantala, tuluy-tuloy lang ang PICA regional competitions, sa Davao and Gen. Santos cities (October 27-31), Iloilo (November 11-13) and Dubai and Qatar (November 17-23), culminating in the PICA Cosmetologie 2010 National Finals, on February, 2011, at the SMX Convention Center, Mall of Asia (MOA), Pasay City. William Reyes

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply