Device explodes near Maguindanao school

SUMABOG ang isang improvised explosive device malapit sa isang eskuwelahan sa Maguindanao, umaga ng Linggo.

Ayon kay regional police chief, Chief Superintendent Bienvinido Latag, naganap ang naturang pagsabog bandang 6:30 a.m. sa Poblacion village, Brgy.  Shariff Agua, Maguindanao.

Nabatid na malapit sa pampublikong paaralan ng elementarya ang pinangyarihan ng pagsabog kung saan isang tindahan ang nasira ngunit wala namang napabalitang nasaktan.

Naganap ang insidente dalawang araw bago ang anibersaryo ng Maguindanao massacre, isang political mass killing at 57 katao ang nasawi kabilang na rito ang 32 mamamahayag.

“We are still investigating to determine the motive as well as the suspects behind the blast,” ayon pa kay Latag.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply