Inaasawa at pinapatay at nakaw na HSBC mastercard

MAY kopya ba kayo ng ulat ng Human Rights Watch na pinamagatang “They Own the People?”

Kung wala at interesado kayo, pupuwede kayong humiling sa www.hrw.org sa pamamagitan ng email.

Mahalaga ang dokumentong ito sa ating kasaysayan sapagkat makatutulong ito sa paglutas sa mga krimen ng mga killer at abusado sa kapangyarihan.

Partikular na dinedetalye ng organisasyong HRW ang mga pamamaslang at pang-aabuso sa kapangyarihan ng ilang Ampatuan sa Maguindanao.

Natalakay na natin, mga Bro, kung paano pinagpapatay sa pamamagitan ng chainsaw ang mga suspek nilang nambomba sa palengke ng bayang Datu Piang at ikinamatay ni Mayor Saudi Ampatuan, anak ni dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan.

Kapatid siya ni Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. na itinuturo ngayong personal na bumaril at pumatay sa nasa 40 katao mula sa 57 kataong minasaker sa Maguindanao.

Bahagi ng ulat-HRW ang grabeng pang-aabuso ng ilan sa mga Ampatuan sa mga kababaihan.

Maniniwala ba kayo na kung may nagustuhan ang mga ito, eh, pinadudukot na lang sa kanilang mga tauhan?

Pagkatapos niyan, inaasawa, nire-rape at pinapatay na lang ang mga ito kapag hindi nila kursunada na gawing asawa sa huli.

Nakakita na ba kayo ng ganitong klase ng tao?

Sobrang kalupitan at pang-aabuso na ito sa mga kababaihan.

At dahil sa kanilang takot na magreklamo o magsumbong sa mga kinauukulan, binabaon na lang sa kanilang kamatayan o iniiyakan na lang nila ang kanilang kapalaran.

Sana, makalkal din ang mga kasong ito upang mabigyan naman ng katarungan ang mga kababaihan.

oOo

Sa susunod, mga Bro, tatalakayin natin ang isang problema sa nanakaw na  HSBC Mastercard.
Sa karanasan ni Ms. Cristina Monsanto, propesor ng Chiang Kai Shek College sa Manila, makikita ninyo kung paano kayo pahirapan ng isang bangko kung magiging biktima kayo ng katulad ng naranasan ni Monsanto.

Makikita rin natin kung ano ang magagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa problema.

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply