Intel fund na kinaltas kailangan pa

MAS  kailangan ng intelligence agencies ang pondong tinanggal sa intelligence fund ni  Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ayon kay Communications Secretary Sonny Coloma, magagamit ito ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP), na direktang sangkot sa intelligence work.

Matatandaang sa proposed national budget para sa taong 2011, nasa P184 milyon ang tinapyas sa intelligence fund ng Pangulo bilang bahagi umano ng pagtitipid sa gobyerno.

Aniya, mas mainam ito para mapalakas ang intelligence gathering at makakatipid pa ang gobyerno. Ang intelligence fund ng Office of the President ay hindi kailangang ma-audit at nasa diskresyon ito ng nakaupong pangulo.  Kris Jose

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply