Intramuros

Kasama daw dapat ang Intramuros sa mga lugar na dapat mapuntahan ng isang tao bago man lang sya mamatay.   Napakaganda naman kasi ng Intramuros. Ang Intramuros ay pasyalan ng mga mahihilig sa kwento ng kasaysayan. Naroon ang Fort Santiago, ang San Agustin Church, ang Cathedral, at mga lumang gusali.

Piling lugar na puntahan din ang Intramuros tuwing Holy Week at bisita iglesia.

Naroon din ang mga Unibersidad ng Letran, Mapua at ang Pamantasan ng Lungsod ng Manila na ang bawat sulok ng mga gusali ay punong-puno din ng kasaysayan. Meron ding mga sikat na mga restaurant gaya ng Ilustrado, etc. Kumpleto sa ingredients ang Intramuros kung ikaw ay isang turista.

Pero mukhang may problemang kinakaharap ang Intramuros Administration at ang pamunuan ng Lungsod ng Manila.  Ang pangangalaga kasi sa makasaysayang pook ng Intramuros ay napailalim sa Intramuros Administration sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 1616. Pero parang ngayon, ayon sa mga ulat sa pahayagan, ay nais bawiin ng Lungsod ng Manila ang pangangalaga at ang administration ng Intramuros dahil ang sabi nila ay napapabayaan na daw ito at tuwing may problema ay ang Manila City Hall din naman ang sumasalo.

Ayon sa mga Konsehal ng Lungsod ng Manila, lumalala na daw ang lagay ng Intramuros, napapabayaan at hindi na nai-improve. Nakababahala ang ganitong mga suliranin dahil may batas na sumasakop sa pangangalaga ng Intramuros na dapat pagtalunan o amyendahan at maaring tumagal ang usapan at maari din na sa gitna ng pagtatalo ay ang Intramuros ang maapektuhan at ang makasaysayang lugar ang magdusa.

Sana ay maayos ang suliraning ito sa lalong madaling panahon. Sana ay magkasundo agad ang Intramuros Administration at ang pamunuan ng Lungsod ng Manila. Kung dapat man na mapanatili sa Intramuros Administration ang pangangalaga ng Intramuros o maibalik sa jurisdiction ng Lungsod ng Manila, ang mahalaga ay maisalba ang kahalagahan at ang kagandahan ng lugar hindi lang para sa kahalagahan ng ating kasaysayan kundi sa benepisyo ng turismo ng bansa.

oOo

Ipagpahintulot po ninyo ang announcement na ito: The Flora Ilagan High School of Quezon City will have its Grand Alumni Homecoming in celebration of its 40 years anniversary on Nov. 27, 2010, at the Flora Ylagan High School Campus. For details contact Bong Martinez 09284097635 or visit http/www.youtube.com/fayhs79ners.

Mag-text po kayo sa akin tungkol sa usaping ito sa 09215186724. O kaya ay email sa: ariel.inton@gmail.com. Ariel Inton

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply