Ipupuslit na fireworks sa Laguna at Cavite, binabantayan

INIUTOS kahapon ni Southern Police District (SPD) Director Chief Supt. Jose Arne delos Santos ang mahigpit na pagbabantay sa mga delivery trucks at van na magmumula sa area ng Cavite at Laguna bunga ng impormasyon na dito magmumula ang mga gawang lokal at imported na malalakas na uri ng paputok na sinisimulang ipakalat sa Metro Manila.

Inalerto ni Delos Santos ang mga chief of police ng Muntinlupa, Paranaque at Las Pinas City at mahigpit na iniutos ang pagsasagawa ng check points sa mga lugar na pagmumulan ng mga sasakyang may dalang malalakas na uri ng imported at gawang lokal na paputok, na hindi pinapahintulutan sa ilalim ng umiiral na batas.

Napag-alaman na may ilang negosyante na maagang namuhunan sa pagpapakalat ng malalakas na uri ng paputok sa Metro Manila at ginamit bilang sentro ng kanilang operasyon ang Cavite at Laguna matapos higpitan ng pulisya ang area ng Bulacan.

Karamihan sa mga ipinarating na imported na paputok  ay nanggaling sa Region IV at maagang dadalhin sa ilang mga tagong bodega kaya posibleng idaan sa Southern part ng Metro Manila.

Nilinaw naman ni Delos Santos na hindi kabilang sa kanilang mga kukumpiskahin ang mga firecrackers na kumpleto ang dokumento at nagbayad ng kaukulang buwis. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply