Isa pang ‘hostage-taking’ ng Chinese nationals?

AN EVENT that has dragged for almost five (5) months now but which may have been kept away from Pres. Noy Aquino’s day-to-day priority radar is ready to explode into another CRISIS with international repercussions.

Tinutukoy natin ang patuloy na PAGDEDETINE umano ng Zambales PNP ng 40 na puro Chinese nationals sa loob ng Co-to Mines (isang large-scale minahan ng chromite) sa Sitio Coto, Brgy. Taltal, Masinloc, Zambales.

Kabilang umano ang mga ito sa 80 UNDOCUMENTED Chinese nationals na nasakote ng PNP-AFP combat elements sa pamumuno ni Dir. Rafael Santiago ng Zambales PNP na nagsa-gawa ng ‘RAID’ sa minesite noong Hulyo 22, 2010.

Inotorisa raw ang raid ni Gov. Jun Ebdane pursuant to his crackdown on illegal mining activities within the territory of Zambales.

May 10 sa mga nasakoteng estranghero ang nakapagpakita ng ligal na mga dokumento, kaya sila’y na-release na. Samantala, 30 naman ang nakapag-TONGPATS umano (kung kanino ay hindi nabanggit) sa isang aregluhang tumagal lang daw  ng dalawang araw, kaya sila’y laya na rin.

Samakatuwid, 40 pa of those Chinese nationals continue to be deprived of their liberty by being forcibly detained within the Coto Mines premises.

Sa umpisa pa lang ay ikinabahala na ito ng pamahalaang Tsina. Hindi lang masyado na-highlight ng media ang insidente dahil noong mga panahong yon ay saklaw pa ng ‘PNoy euphoria,’ ika nga, ang galaw ng ating broadsheets at broadcast radio/tv newsrooms.

Noong Agosto 2010, nakipag-ugnayan na si G. Wang Xiaobo, Consul sa Chinese Embassy sa Manila, sa ating pamahalaan “to convey his government’s request that the case be resolved quickly and that the workers be released.”

Ngayon ay Disyembre 2010 na at tila wala pa ring kongkretong aksiyon ang ating mga kinauukulan. Ang palagi lang daw sinasabi ni Santiago ay naghihintay lang siya sa gagawin ng Bureau of Immigration.

Napakaraming katanungang LIGAL ang maipupukol sa ating pamahalaan kaugnay rito.

Una sa lahat, bakit doon sa Coto Mines premises dinedetine ang Chinese Nationals?  Bakit hindi sa detention facilities ng BI?

Pangalawa, kung totoong may LEGAL GROUNDS ang detention sa mga to, maliwanag ang  UTOS ng Art. 125, Revised Penal Code kay Santiago, et al,  na DAPAT IDINULOG na nila sa PROPER JUDICIAL AUTHORITIES ang mga naarestong Intsik  within 36 hours, at the maximum, from their inceptual restraint on these aliens’ persons. Kung hindi, ay posibleng masasabit si Dir. Santiago at ‘raid cohorts’ niya sa kasong ARBITRARY DETENTION. (Itutuloy) Alex Almario

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply