Jason Ivler ipoposas sa ospital

Tiniyak na mananatiling nakaposas si road rage suspect Jason Ivler kahit na nililinis ng mga doktor ang bituka nito sa sandaling dalhin ito sa East Avenue Medical Center sa Quezon City.

Nabatid kay BJMP director Rosendo Dial,ito ay para matiyak na hindi makatatakas sa kanilang kostudiya si Ivler na suspek sa pamamaril sa anak ni Malacañang Assistant Secretary Renato Ebarle. Sinabi pa ni Dial, na may mga guwardiyang itatalaga ang BJMP sa loob at labas ng ospital para masiguro na mababantayang mabuti si Ivler.

Nabatid sa ulat na maaaring ilabas ng Quezon City jail si Ivler at dadalhin sa East Avenue Medical Center para malinis ang bituka nito na dumudugo daw dahil sa tama ng bala. (Santi Celario)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply