Jackie Rice, nakawala na sa sumpa

TAMA naman ang sinabi ni Charlene Gonzales, na talagang napakabait ng kanyang husband na si Aga Muhlach.
Maganda talaga ang pag-uugali ng guwapong actor, dahil ganu’n siya pinalaki ng kanyang mga magulang.
Pansinin n’yo na lang, kung pangit ba ang kanyang ugali ay matutuwa sa kanya ang mga aktres na sina Amalia Fuentes, Governor Vilma Santos-Recto, Ai-Ai delas Alas, Regine Velasquez at Sharon Cuneta?

Consistent din si Aga sa kanyang attitude kapag mayroon siyang nakakatampuhang kapwa artista, babae man o lalake.  Talagang hindi siya nagsasalita para hindi na lumaki pa ang isyu.  Kasi nga, natural na ugali ng husband ni Charlene ‘yung hindi siya mahilig pumatol sa mga intriga.  Wala sa kanya ‘yung tipong magpapa-interview para magmura at magtaray bilang buwelta sa kanyang katampuhang artista.  Pero marunong din naman siyempre siyang magalit.

‘Kita n’yo naman.  Hindi napag-usapan sa showbiz kung ano ang pinag-ugatan ng tampuhan nila ni Ate Vi.
Kasi nga, magkaibigan sila, at ang ilang taon nilang hindi pag-uusap ay pagpapalipas nila ng panahon para makalimutan ang kanilang tampuhan.  Ngayon na lang nagsalita si Ate Vi nang magkabati sila.  Pero si Aga, wala tayong nadinig.  Itong sa kanila ni Sharon, ang Megastar lang ang hayun at sobrang naglabas ng kanyang hinanakit.  Pero wala rin tayong nadinig mula kay Aga.

Lalo naman ‘yung tampuhan nila ng kanyang Tita Nena (Amalia), ilang taon din ang binilang noon bago sila nagkabati.  Madaming nasabi tungkol kay Aga ang beteranang aktres nang maglabas ito ng kanyang hinanakit sa kanyang pamangkin.  Pero ang husband ni Charlene ay talagang hindi nagsalita, lalo pa’t kaanak niya ang may tampo sa kanya.  Nagkabati rin sila, pero sa nabalita iyon, dahil may reporter na malapit kay Amalia, na ipinangalandakan ang pagkakaayos ng dalawa.  Nakakabitin nga si Aga, dahil laging selyado ang kanyang bibig kapag mayroong intriga tungkol sa kanya

–oO(O)Oo–

Nakawala na nga si Jackie Rice sa matagal na kanegahan sa kanyang movie career.  Aba, parang sumpa ang nangyari nu’ng maparusahan siya ng GMA-7 Management dahil sa kanyang pagiging pasaway nu’ng baguhan pa lang siya.  Bumagsak ang career niya noon.  Oo, naparusahan siya, dahil umiinom siya ng alak, madalas gumimik sa bar, at grabeng mag-yosi, huh!  Tama lang naman na kinastigo siya ng Siyete, dahil nu’ng time na ‘yon ay bagets pa siya na napakaganda, at nag-aartista na, pero ganu’n siya ka-pasaway.

Ang kasabayan niya noon sa pagpasok sa showbiz na si Iwa Moto, ay kahilera din niya sa pagiging pasaway.

Pero nagseryoso si Iwa sa career niya, at iniwan niya nang milya-milya si Jackie, dahil sumikat ang Iwa, na bukod sa sexy at nakakaarte pa.  Dalawang ulit nagtangka si Jackie na magbalik-showbiz, pero maraming nagduda kung seryoso na ba siyang talaga?  Nitong huli, nagpakitang-gilas na si Jackie, kaya marami na uling proyekto ang ipinagkakatiwala sa kanya ng Siyete.

Umiinit na uli ang movie career ni Jackie.  Kasi nga, hindi na napag-uusapan ang kanyang pagiging pasaway, kaya dire-diretso lang ang suwerte niya.  Masipag na siyang magtrabaho, kaya mula sa kanyang kinikita sa pag-aartista, ay nakapagpatayo na siya ng sarili niyang bahay.  Happy siya ngayon, dahil hindi na sila magre-renta ng tirahan.  Kaya lang, habang hayan at nakabalik na nga si Jackie, ay parang ito namang si Iwa ang nawawala sa eksena, dahil hindi na siya pinag-uusapan, huh! Melchor M. Bautista

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply