Jackpot sa lotto P300 milyon na!

HINDI pa rin napapanalunan ang Grand Lotto jackpot price na aabot sa P295 milyon matapos walang manalo sa kumbinasyon na 08-49-29-35-28-45 na lumabas. Inaasahang aabot na sa P300 milyon ang mapapanalunan sa sunod na bola ngayong araw, iniulat ng PCSO.

Sa ginanap na bolahan ng Philippine Charity Sweepstake Office sa Quezon City noong Lunes ng gabi, walang nakakuha ng premyong umabot na sa  P295,664,774,40.

Nabatid na kapag umabot na sa P100 milyon ang nakalaang premyo ay lalong dumadagsa ang mga mananaya sa lotto tickets station, dahil humahaba ang pila ng mga ito at lumalaki rin ang kanilang charity sale. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply