JBC may bagong miyembro

Kumpleto na ang kasapian ng makapangyarihang Judicial and Bar Council (JBC) matapos maitalaga sa posisyon bilang ikawalong miyembro si dating Court of Appeals Associate Justice Artemio Tuquero.

Si Tuquero ay nagsilbing justice secretary sa termino ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Pinalitan ni Tuquero si Dean Amado Dimayuga, na kumakatawan sa hanay ng academe. Nagretiro si Dimayuga noong nakaraang Hulyo.

Si Supreme Court Chief Justice Renato Corona ang chairman ng JBC, habang ang mga miyembro naman ay sina Sen. Francis “Chiz” Escudero, Rep. Neil Tupaz Jr., retired SC Justice Regino Hermosisima, Atty. Conrado P. Castro at retired Appeals Court Justice Aurora Lagman.

Sa ilalim ng 1987 Saligang Batas, may kapangyarihan ang JBC na magrekomenda sa mga bakanteng posisyon sa hudikatura. (Teresa Tavares)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply