Jewel Mische, nag-ober da bakod sa Dos

SINGER, DI TOTOONG  ‘FAITHFUL’ SA GF

MAY  nag-chat sa amin sa Facebook para sabihing nakita niya ang isang kilalang mang-aawit na pumupunta sa isang girly bar sa may Sucat Road, malapit sa airport na ang balita ay isang taga-air force ang nag-ooperate nito.

May massage room umano sa loob ng bar at suki na daw dito ang nasabing personalidad.

Kamakailan lamang ay nagbigay ng pahayag ang nasabing mang-aawit na siya ay faithful talaga sa kanyang showbiz gf dahil wala naman siyang ibang dine-date maliban sa kanyang gf.  Ayon sa kanya, napapagod na siyang magpaliwanag tungkol sa infedelity churva pero talagang swear to God siya na talagang iisa lamang ang kanyang love at ito nga ang kanyang gf.

Kung totoo man na napagkikita ang mang-aawit sa girly bar na ‘yun ay posibleng malaki ang respeto nito sa gf na ‘no sex’ before marriage ang kanyang motto dito.  Totoo ang kanyang sinasabing faithful siya kung ang pagbabasehan ay kumukuha siya ng girl para mag-pamasahe.  Sa puntong ito ay tama siya sa pag-claim na na never siyang nag-play around with other girls maliban lamang sa mga masahista sa nasabing bar na binabayaran ang serbisyo.

ETSAPUWERA NA SI HEART SA DASAL NI ANNABEL RAMA

Obviously na malaki ang nagagawa ng nga dasal ni Annabel Rama para sa kanyang mga alaga para tuloy-tuloy ang biyaya.  Kung matatandaan ay talagang walang career noon si Heart Evangelista bago siya i-manage ni Biyasa pero dahil sa taimtim nitong pagdarasal at personal pa itong dumadayo sa Cebu City para magdasal sa Sto Nino de Cebu, gumanda ang kair ng aktres.

Sa nakaraang launching ng Gutz Watch by Richard Gutierrez ay natanong namin si Annabel kung kasali pa rin ba si Heart sa kanyang pananalangin.  Very calm si Bisaya sa pagsabing bahala na ang Diyos sa aktres at hanggang maari ay mag-elaborate sa isyu.  Ayaw nito ng mga negatibong bagay para pag-usapan.

Sa interbyu naman kay Heart ay talagang tikom-bibig ito sa pagbigay ng pahayag tungkol sa isyu nila ng kanyang manager. Kahit nagpatutsada na ang huli ay kampante pa rin siya kanyang pananahimik.  Sa pinakahuling interbyu sa kanya, nasabi nitong ipagdasal na lang ang lahat at umaasa siyang mabibigyan din ito ng solusyon.

JEWEL MISCHE, SUSUNOD NA PAG-IINITAN NG ‘FROZEN DELIGHTS’

Pagkatapos kainsekyuran ng Star Magic talents si Bianca Manalo dahil pagkakaroon nito ng starrer project ay tiyak na si Jewel Mische ang kasunod.  Ang balita pagkatapos na hindi payagan ang Starstruck inner ng kanyang home studio na lumipat ay ito na ang latest update, pipirma na siya ng kontrata sa Star Magic as in, matutuloy din ang pag-ober da bakod nito sa Kapamilya network.

Sa puntong ito ay maraming humuhulang agad siyang mabibigyan ng proyekto na ikakainsekyur muli ng mga frozen delight talents ng Star Magic.  Abangan ang mga  sorpresang mangyayari. Alex Datu

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply