Jinggoy rumesbak kay Hayden para kay Bong

BINUWELTAHAN nitong Miyerkules ni Sen. Jinggoy Estrada ang dating doctor to the stars na si Hayden Kho na may pino-promote ngayong sarili niyang brand ng pabango na tinawag na “Hayden Paris.”

Sinabihan kamakailan ni Kho ang kaibigan ni Estrada na si Sen. Ramon “Bong” Revilla na “makitid ang utak” dahil hindi pa raw ito tumitigil ng kababanat sa dating doktor ukol sa isyu ng sex videos niya kasama sina Katrina Halili at Maricar Reyes.

Ani Estrada, di na dapat pinapatulan ang mga katulad ni Kho na tinawag ng senador na “sex addict.”

Nauna nang sinabi ni Revilla na dapat magpakalalaki si Kho at harapin nito ang kanyang mga ginawang kasalanan.

“Magpakalalake siya at harapin ang mga kaso niya, na siya naman ang may kagagawan, in the first place? Hindi dapat siya nagtuturo at nagpapasa ng sisi sa ibang tao dahil sa pagkatanggal ng lisensya niya at sa patuloy na pagdinig ng kasong kriminal na inihain laban sa kanya,” sabi ni Revilla.

Pinatutsadahan pa ni Revilla si Kho na hindi umano matatakpan ng kanyang pabango ang umalingasaw na baho ng mga sex video ng dating doktor.

“Isa siyang de tituladong tao at bilang isang edukadong tao, I expect some decency in him. He disappoints me, including the people around him,” sabi ni Revilla.

Ayon pa kay Revilla, bagaman at ayaw na sana niyang patulan si Kho, dapat daw isaalang-alang ni Hayden ang mga naging biktima ng kaniyang sex video.

“Sa totoo lang, ayoko na sanang patulan pa ang isang desperadong tao. Umayos na lang siya sa pagharap ng mga kaso niya, at makunsiyensiya sa mga babaeng napatunayang inagrabiyado niya. Yun ang dapat niyang asikasuhin,” sabi ni Revilla.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply